top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Namemeke ng COVID-19 test result, sampolan nang matindi!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2021
  • 1 min read

Updated: Jan 8, 2021

@Editorial | January 3, 2021



Sa kabila ng banta ng COVID-19, may ilan pa rin na tuloy sa kanilang travel goals.


Ang problema, may mga nahuhuling hindi sumusunod sa batas, gumagawa ng ilegal para lang makagala.


Tulad ng dalawa pang turista na inaresto ng mga pulis matapos magpresinta ng pekeng RT PCR test bago pumasok sa Isla ng Boracay.


Nabatid na peke ang kanilang dalang test result matapos ma-verify sa clinic sa Manila na umano’y nag-issue ng coronavirus test result na peke ang dokumento.


Noong Disyembre 7, anim na turista na galing Makati City ang kinasuhan ng mga awtoridad matapos mahuling nagpresinta rin ng pekeng RT PCR test sa Caticlan Jetty Port.


Ang ganitong mga insidente ay nakababahala lalo na’t nasa gitna pa tayo ng pandemya at may binabantayang bagong uri ng COVID-19 na sinasabing mas mabilis na makahawa at kumalat.


Binuksan ang turismo upang makaagapay sa ekonomiya at lalo na sa ating mga kababayan na rito umaasa. Nakita rin natin kung paano sila nag-iingat, nagsisikap at nagpapatupad ng mga polisiya laban sa anumang banta ng COVID-19.


Pero kung may mga taong walang magawa sa buhay kundi ang mamerhuwisyo, tama lang na patawan sila ng mas mabigat na parusa.


Kung hindi kayang sumunod sa simpleng “test before travel” policy, manahimik kayo sa bahay!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page