Nalipat sa EastWest at AUB.. Pera sa GCash, nawala
- BULGAR

- May 10, 2023
- 1 min read
ni Jeff Tumbado | May 10, 2023

Kinumpirma ng financial application na GCash na nagkaroon ng pagbagsak o downtime ng system nito kahapon sa loob ng ilang oras.
Kasabay nito, tiniyak ng G-Xchange Inc. na bagama't may napaulat na ilang kostumer ang nabawasan ang kanilang pera sa GCash ay naibalik na ang mga ito.
Bago mag-alas-10 ng umaga ay nakaranas ng problemang teknikal ang mga may account sa GCash at hindi nila mabuksan ang kanilang e-wallet.
“We extended our scheduled maintenance to investigate and determined that no hacking occurred. We apologize for the inconvenience. The app is now back up and rest assured that your funds are safe,” ayon sa pahayag ng G-Exchange.
Nailipat umano sa dalawang bank accounts ang mga perang nawala sa ilang kliyente nito.
Ang tinukoy na accounts ay nasa EastWest Bank at Asia United Bank.
“EWB immediately acted on these reports and initiated its own internal investigation,” batay sa hiwalay na pahayag ng EWB.
“Rest assured that we are cooperating with authorities and other institutions involved in the said report. We are working towards the immediate resolution of this matter,” dagdag pa nito.





Comments