top of page

Naligo sa ilog at nakagat ng buwaya ang paa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 28, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danilo ng Mindoro.


Dear Maestra,

Napanaginipan kong namasyal ako sa may bandang ilog malapit sa bahay namin. Tumalon ako sa ilog para maligo, tapos hindi ko napansin na may buwaya pala at kinagat ako nito sa paa. Buti na lang, daplis lang dahil madali akong nakaahon sa ilog. Ang sakit ng paa ko na kinagat ng buwaya pero hindi naman grabe. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Danilo


Sa iyo, Danilo,

Kung malinis at malinaw ang tubig ng ilog na tinutukoy mo sa iyong panaginip, ito ay nangangahulugan ng kasaganaan at pag-unlad sa buhay. Kung maputik, marumi, hindi gaanong malinaw ang tubig, ang ibig sabihin nito ay daranas ka ng kahirapan sa buhay kung saan mahihirapan kang kumita ng sapat para sa mga pangangailangan ng pamilya mo.


Samantala, ‘yung kinagat ka ng buwaya sa paa, pero hindi naman gaanong masakit, ito ay nagpapahiwatig na may darating na pangyayari sa buhay mo kung saan magiging asiwa ka at hindi mo alam ang gagawin. Pero sa malaot-madali, ang problemang naturan ay malulutas din kung gagamitin mo ang iyong talino at diskarte sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page