Nakita ang yumaong erpat, sign na nakabantay pa rin
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 06, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Kristel ng Cavite.
Dear Maestra,
Napanaginipan ng nanay ko na habang naliligo siya, may nakita siyang tao at tingin niya ay ‘yung papa kong patay na. Tawag daw siya nang tawag kung may tao, kaso kalahati lang ang tao na nakikita niya, tapos naka-stripe na puti. Naisip ko na baka dumalaw ang papa ko dahil hindi na namin siya napupuntahan. Sana ay masagot n’yo ang kahulugan ng panaginip ng nanay ko.
Naghihintay,
Kristel
Sa iyo, Kristel,
Ang ibig sabihin ng panaginip ng nanay mo, masyado siyang nag-aalala sa mga bagay-bagay sa paligid niya. Huwag siyang mabahala dahil malapit nang malutas ang ipinag-aalala niya.
Muli, huwag siyang masyadong mag-isip at ipanatag ang kanyang kalooban dahil ang lahat ng problema ay lilipas at malulutas din.
Nagpapahiwatig din ito na ingatan niya ang pakikitungo sa mga mahal niya sa buhay at maging sa kanyang mga kaibigan dahil may posibilidad na madawit siya sa gulo o magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Nakatunghay pa rin ang kaluluwa ng papa mo sa inyo kahit siya ay namayapa na. Physical body lang niya ang nawala, ngunit ang kaluluwa niya ay patuloy na umaalalay sa inyo at nagbababala na umiwas sa anumang gulo. Piliin lamang niya ang mga kaibigan na pagkakatiwalaan para hindi madamay kung mayroon mang hindi pagkakaunawaan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments