top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nakalimutan atang aktor siya Sen. Padilla, iginigiit na 'wag iboto ang celebrity politician

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 28, 2023


P-BBM VS. SEN. ROBIN PADILLA SA CHARTER-CHANGE—Sinabi ni Sen. Robin Padilla na nagtungo siya sa Kongreso at kinausap ang mga kongresista na suportahan ang panukala niyang Charter-Change (Chacha).


Aba, tila babanggain ni Sen. Padilla si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) dahil sinabi na ng presidente na hindi niya prayoridad ang Chacha o pagbabago ng Saligang Batas, tapos itong actor-turned politician ay gusto pang ipagpilitang maging batas ang panukala niyang reject sa Pangulo, period!


◘◘◘


NAKALIMUTAN YATA NI SEN. PADILLA NA KAYA SIYA NANALO AY DAHIL SIKAT SIYA—Ayon kay Sen. Padilla, panahon na para magbago ang pananaw ng mga botante, na dapat huwag daw iboto ang mga partylist na kaya lang nanalo ay dahil sa mga sikat at maperang nakapaloob dito.


Tila nakalimutan ni Sen. Padilla na siya ay sikat na artista, action star at naging TV host pa, at ang kanyang kasikatan ang naging daan kaya siya ay ibinoto at naging senador siya ngayon. Boom!


◘◘◘


SENATE PRESIDENT, SA MGA STAFF LANG NG SENADO MAY ‘PAKI’ AT WAPAKELS SA ORDINARY WORKERS AT MARALITANG PINOY?!—Hanggang ngayon ay wala pang tugon si Senate President Migz Zubiri sa panawagan ng Sentro ng mga Nagkakaisang Progresibong Manggagawa (SENTRO) na pangunahan nito ang paggawa ng panukala na bigyan din ng inflation assistance ang lahat ng ordinary workers at mga maralitang Pinoy tulad ng ginawa nitong pagbibigay ng P50K ayuda sa mga staff nila sa Senado.


Dahil sa pandededma ni Zubiri sa panawagan sa kanya, lumalabas ngayon na wala siyang ‘paki’ sa mamamayan na naghihirap dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, bagkus, sa mga staff lang nila sa senado siya may paki. Kaya ‘yung 3,000 empleyado lang nila sa senado ang inaprubahan niyang mabigyan ng tig-P50K inflation aid. Tsk!


◘◘◘


AYAW NG MAJORITY NG PINOY NA SA KADIWA LANG MAY MURANG PRESYO, GUSTO NILA AY MAGING MURA ANG BILIHIN SA LAHAT NG PALENGKE SA ‘PINAS—Nagpalagay si P-BBM ng ‘Kadiwa ng Pangulo’ sa Cebu City, at kung inaakala ng presidente na babango ang pangalan niya sa programang ito dahil mura ang presyo ng mga bilihin dito, ay nagkakamali siya, dahil sa social media ay pinuputakte na naman siya ng batikos tungkol dito.


Sa totoo lang, ang gusto ng majority ng Pinoy ay maging mura ang bilihin sa lahat ng palengke sa bansa, at hindi ‘yung mababang presyo ay mabibili lang sa mangilan-ngilang ‘Kadiwa Store’ na inilalagay sa piling lugar sa ‘Pinas, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page