top of page

Nakabasag ng baso at nakalimutan isuot ang salamin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 12, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Armeli ng Quezon City.


Dear Maestra,

Napanaginipan ko na nakalimutan kong isuot ang salamin ko sa mata. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig, pero dahil malabo ang mga mata ko dahil hindi ko suot ang aking salamin, nabasag ko ang baso nang kunin ko ito sa lalagyan. Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Armeli


Sa iyo, Armeli,

Ang ibig sabihin ng nakabasag ka ng baso ay makararanas ka ng kabiguan sa iyong buhay, pero hindi naman ito mabigat at kayang-kaya mo itong lagpasan.


‘Yun namang nakalimutan mong isuot ang salamin mo sa mata, ito ay nagbababala ng paghihiwalay ninyo ng iyong minamahal sa buhay dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Maraming salamat sa pagsangguni ng iyong panaginip. Pagpalain ka nawa ng Dakilang Lumikha.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page