top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nakabalik na kaya todo-bawi… KRIS, IPAMIMIGAY SA FANS ANG MGA PINAKYAW NA PRODUKTO NG SHOPEE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 25, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 25, 2020




Malaking bentahe para kay Kris Aquino na may dumarating sa kanya ngayon na malalaking endorsements tulad ng Shopee. At sa November, may isa pang malaking produkto ang kanyang ie-endorse na tamang-tama sa Christmas Season.


Kaya naman, in high spirits ngayon si Kris at ang sigla-sigla. Kahit na hindi TV show ang dumating sa kanya, still, big boost pa rin sa kanyang morale na may kumpanyang nagtitiwala at kumuha sa kanya bilang endorser.


Kahit wala siyang TV show na napapanood araw-araw, lagi pa rin siyang nakikita sa telebisyon dahil sa kanyang commercial. Magandang exposure pa rin ito kay Kris Aquino. Mabentang-mabenta na naman siya sa mga advertisers. Babalik na ulit ang init ng kanyang career at nasa limelight na naman siya!


Sa isang post ni Kris ay may pangako siya sa kanyang mga fans. Sa Nov. 25 daw na death anniversary ng kanyang Daddy Ninoy Aquino ay mamimigay at magse-share siya sa kanyang mga fans and followers! Marami siyang biniling produkto sa Shopee at ang mga ito ang plano niyang ipamigay.


Sana all ang wish ng mga entertainment press!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page