Naka-move on na, natatawa na lang sa ginawa sa kanya ni Gerald...

PAYO NI BEA SA MGA NA-GHOSTING: MAGING ACTIVE SA SOCMED!
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 2, 2020

Naaliw kami sa guesting ni Bea Alonzo sa vlog nina Angel Locsin at Neil Arce kung saan ang kanilang tinalakay ay tungkol sa ghosting.
Timing sa Halloween, pero hindi ito sa literal na ghost o multo. Ang ghosting na topic nila ay 'yung ginawang pang-iiwan ng isang lalaki sa kanyang karelasyon nang walang dahilan at hindi man lang nagpasabi.
Si Bea Alonzo bilang "Face of Ghosting" dahil sa pang-iiwan sa kanya ni Gerald Anderson ang hiningan nina Angel at Neil ng tips kung paano makaka-move on matapos dumanas ng ghosting ang isang babae.
One year na ang nakakalipas nang biglang nawala at hindi nagparamdam kay Bea si Gerald. At aminado ang magaling na aktres na labis siyang nasaktan noong mga first months na biglang naglaho ang BF, lalo na't hindi naman niya alam kung ano ang kanyang kasalanan at pagkukulang dito.
Sa ngayon ay naka-move on na si Bea sa masakit na experience. Masaya na ulit ang kanyang mundo. At sa tulong at suporta ng mga kaibigan, unti-unting naghilom ang sugat sa kanyang puso.
Looking back, natatawa na lang siya sa kanyang mga hugot at emote. Kaya may payo si Bea sa mga babaeng na-ghost ng boyfriend.
Dapat daw ay maging aktibo sa social media at libangin ang sarili at 'wag mag-self-pity. Huwag ding sisihin ang sarili sa nangyari. Sumama sa mga kaibigang makaka-inspire at magbibigay ng moral support. Huwag daw tawagan o i-text ang ex-BF na nang-ghosting.
Kailangan ding magpaka-busy sa trabaho para hindi na maisip ang sad experience.
Tanggapin nang maluwag sa puso ang nangyari. Mahalin ang sarili at huwag mabuhay nang para lang sa iba.
Hindi man pinangalanan ni Bea ang lalaking ilang beses nang nanloko sa kanya at lagi niyang pinatatawad, alam ng lahat na si Gerald Anderson 'yun. Ang mga kabiguan sa pag-ibig ni Bea ay nagpatibay ng kanyang loob. She's much wiser now at hindi na ulit paloloko pa!





Comments