top of page

Naka-bike na pulis na may body cam, ipinakalat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2020
  • 2 min read

ni Lolet Abania | September 17, 2020





Nagpakalat ng mga police bike patrollers na may suot na body camera sa San Juan City upang mahigpit na ipatupad ang mga ordinansa sa lungsod kaugnay sa quarantine protocols.


Ito ang direktiba ni Mayor Francis Zamora na tiyaking masusunod ang mga panuntunan ukol sa community quarantine upang patuloy na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


"Mayroon tayong mga itinalaga na mga traffic enforcers, mga San Juan police na magbabantay dito. Ang importante, tayo po ay naglaan sa kanila ng mga body camera," sabi ni Zamora. "Importante 'yung body cam sapagkat hindi lamang 'yung mga nagba-violate ng bike lanes ang hinuhuli, [kundi] pati 'yung nagba-violate ng ordinansa patungkol sa 'di pagsusuot ng face mask, hindi pagsusuot ng face shield at 'yung bagong ordinansa ng San Juan na anti-spitting ordinance," dagdag niya.


Samantala, iniutos ni Zamora sa awtoridad ang paglalagay ng modified bicycle lanes at dedicated motorcycle lanes sa kahabaan ng Ortigas Avenue.


"Nandito tayo ngayon sa launching ng modified bike lanes at motorcycle lanes. Ibig sabihin dito sa Ortigas Avenue, ang mga bisikleta at saka motorized scooter, mayroon silang sariling lane nila dito sa pinaka-kanan ng kalye tapos may pagitang mga bollards. Sa kaliwa naman ng bollards, 'yun naman 'yung dedicated motorcycle lanes," ani Zamora.


"Ang isang lane natin dito sa Ortigas Avenue ay three meters. Mayroon tayong three lanes dito sa Ortigas Avenue," dagdag pa niya.


Nais ng lokal na pamahalaan na masigurong ligtas ang mga siklista at motorcycle riders na bumibiyahe at dumaraan sa naturang siyudad.


"Ang iniisip natin dito, 'yung kaligtasan ng mga nagbibisikleta lalo na ngayong panahon ng COVID-19. Alam naman natin, 'di pa rin full operations ang ating public transportation... marami talaga ang bumibili ng bisikleta para 'di na gumastos araw-araw sa pamasahe," sabi ni Zamora.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page