Naitulak ng kapatid... 2-anyos nahulog sa kanal, dedbol
- BULGAR

- Aug 15
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | August 15, 2026

Photo: Circulated / GMA
Nasawi ang isang 2-anyos na batang babae matapos mahulog at malunod sa isang kanal sa Brgy. Dinaloan, Pangasinan, nitong Huwebes ng hapon.
Ayon sa ulat, naglalaro sa kalsada ang bata kasama ang kanyang nakatatandang kapatid nang umano'y maitulak ito at mahulog sa kanal.
Nilinaw naman ni CMDRRMO Spokesperson Kristine Soiano na hiwalay na aksidente ang insidente at walang kaugnayan sa kalamidad o pagbaha dulot ng walang humpay na pag-ulan.





Comments