top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nainip sa COVID pandemic… CARLA, 'DI NA NAHINTAY ANG DREAM WEDDING NI TOM, NAG-LIVE-IN NA LANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 29, 2020




Parehong nasa tamang edad na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Ilang taon na rin naman ang kanilang relasyon at talagang nakaplano na ang lahat para sa kanilang pagpapakasal.


Pero dahil sa Covid pandemic, ang wedding plans nila for 2020 ay naudlot at hindi na muna itinuloy.


Gusto ni Tom na bigyan si Carla ng kanyang dream wedding na magbibigay sa kanya ng magagandang alaala, 'yung kasal na pinapangarap ng sinumang babae.


Kaya naman, hindi na nagtaka pa ang kanilang mga kaibigan at kapwa artista nang umamin na si Carla na nagli-live-in na sila ng nobyong si Tom. At alam din ng kanilang partidos ang setup ng kanilang relasyon ngayon.


Magkasama sina Carla at Tom sa seryeng Love of my Life na pansamantalang natigil noong magsimula ang quarantine. Pero ngayon ay nagbabalik nang muli ang serye na may magaganap na twist sa kuwento, na tiyak ikagugulat ng lahat.


Ang nabiyudang si Carla ay iibig sa kapatid ng kanyang yumaong mister. Dito papasok ang relasyon niya kay Mikael Daez na kursunada rin ni Rhian Ramos na ex ni Tom.


Papayag ba si Coney Reyes na ina nina Tom at Mikael sa Love of my Life?!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page