top of page

Nainggit sa nakita sa Spain… BEA, NAGPRAMIS NA PAGAGAWAAN NG VINEYARD ANG MADIR SA FARM NILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 51 minutes ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 25, 20255



Photo: Bea Alonzo - IG


Ang bongga ng Mama Mary Ann ni Bea Alonzo dahil pangarap pala niya ang magkaroon din ng vineyard sa kanilang farm sa Zambales.


Nakita kasi niya ang vineyard sa Spain, kaya nabanggit niya kay Bea na sana, magkaroon din sila ng vineyard sa kanilang farm. 


Agad namang nangako si Bea sa kanyang mama na magkakaroon sila ng

vineyard. Tutal, napakalawak naman ng kanilang lupain sa Zambales at kakayanin itong pangasiwaan ng kanyang Mama Mary Ann.


Well, para sa ikaliligaya ng kanyang ina ay handang ibigay ni Bea Alonzo ang lahat. Mas pinili nga niya na sundin ang kagustuhan ng kanyang ina pagdating sa larangan ng pag-ibig. Mas pinili ni Bea ang kanyang pamilya nang magkaroon ng problema ang relasyon nila noon ni Dominic Roque.


So far, wala siyang regrets sa kanyang naging desisyon dahil masaya at tahimik ang kanyang buhay sa piling ng kanyang pamilya. 


Sa tamang panahon, darating ang tamang lalaki para sa kanya. Who knows, baka si Vincent Co na ang nakatadhana para kay Bea Alonzo.



MANA NI NORA SA MGA ANAK, INAAYOS NA



NANG dumalo si Ian de Leon sa special screening ng pelikulang Faney, naitanong ng ilang entertainment press kung inaayos na ba ng kanilang abogado ang mana nilang magkakapatid sa yumao nilang ina na si Superstar Nora Aunor. 


Marami kasi ang interesadong malaman kung gaano kalaki ang ipinamana sa kanila nito.


Sey ni Ian, may nag-aasikaso na tungkol dito pero confidential ito at ayaw nilang isapubliko.


Well, kahit papaano ay nakapag-iwan naman si Aunor ng kanyang Last Will and Testament at naihanda niya ito bago siya nagkasakit at pumanaw. Kaya kahit papaano ay may pamana siyang maiiwan para sa kanyang mga anak na sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth.


Hindi nga lang puwedeng idetalye kung paano ang gagawing partehan sa naiwang yaman ni Nora Aunor.


Ngayong tapos na ang 40 days ni Aunor, nangako ang mga Noranians na aabangan at panonoorin nila ang iba pang nagawang pelikula ni Guy tulad ng Kontrabida at Ligalig

Ang Faney ay puwede namang mapanood ng mga gustong magpa-block screening.




NAGULAT ang marami sa naging pag-amin ni Alden Richards na nakaranas siya ng matinding depression last year nang maubos ang kanyang mga pinaghirapan at kinita sa showbiz.


May mga naipundar na negosyo at investments naman si Alden. Pero dahil nga sa sobra niyang pagiging generous na lahat ng lumalapit ay kanyang tinutulungan, nagising na lang siya na halos said na ang kanyang kinita. 


Umabot siya sa puntong nasa rock bottom na siya. Hindi makapaniwala noon si Alden sa nangyari. Dismayado rin siya na may mga taong nagsamantala sa kanyang kabaitan at pagiging generous. 


Nakadagdag pa sa depression noon ni Alden Richards ang pagpanaw ng kanyang lolo noong 2024. 


Kaya naman, upang maka-regain ng kanyang tiwala sa sarili at makabawi sa milyones na nawala sa kanya, ibinaling ni Alden ang panahon sa ilang physical activities at nag-organize ng fundraising fun run sa tulong ng kanyang mga kaibigan sa showbiz.


Ngayon ay unti-unti nang bumabalik ang sigla ni Alden Richards. May malaking leksiyon siyang natutunan sa mga nangyari sa kanya. 


Ganunpaman, patuloy pa rin siyang magiging mabait at generous sa mga dapat tulungan.



DUMAGSA sa GMA Network ang mga nag-audition para sa search ng Bubble Gang ng Bayan (BGNB) kung saan naghahanap ng mga future comedians na bibigyan ng exposure. 


Maraming mga viewers ang nangangarap na mapabilang sa longest-running gag show sa telebisyon. Mahigit tatlong dekada na sa ere ang BG at maraming artista na ang naging bahagi ng show.


Tanging sina Michael V., Paolo Contis at Chariz Solomon ang maituturing na ‘orig’ sa cast na hanggang ngayon ay nasa BG pa rin. 


Si Betong Sumaya, bumilang na rin ng taon sa BG at nakikipagsabayan na rin kina Michael V., Paolo, Chariz atbp..


Maging si Ogie Alcasid ay matagal ding nakasama ni Michael V. sa mga skits nila sa BG


Si Antonio Aquitania, gradweyt na rin, ganoon din si Sef Cadayona. 

Maraming characters ni Michael V. ang minahal ng mga viewers ng BG tulad ni Mr. Assimo at si Yaya ni Angelina.


Patuloy ang mga pagbabagong nagaganap sa BG, kaya ngayon ay gusto nilang tumuklas ng bagong henerasyon ng mga young comedians. 


Dumagsa naman ang mga aspiring comedians sa audition ng BGNB.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page