top of page

Nahulog ang kotse sa kanal at nadumihang damit, pahiwatig na masisira ang reputasyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 27, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 27, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Yolly ng Samar.


Dear Maestra,

Kumusta kayo? Nawa’y nasa maayos kayong kalagayan gayundin ang mga mahal n’yo sa buhay. Isa akong negosyante pero ngayon ay walang kita dahil sa pandemya. Gusto kong isangguni sa inyo ang aking panaginip.

Napanaginipan kong nahulog ang sinasakyan kong kotse sa malalim na kanal. Nakaligtas ako at nakaahon, tapos ang dumi-dumi ng damit ko at puro putik ang aking buong katawan. Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,

Yolly


Sa iyo, Yolly,

Ang panaginip mo ay may kaugnayan sa reputasyon mo sa inyong lugar. Nagbabadya ito na maaaring masira ang magandang pagkakakilala sa iyo ng mga kapitbahay mo dahil na rin sa sarili mong kapabayaan.


Mag-ingat ka lang sa araw-araw mong pakikisalamuha sa kapwa. Piliin mo ang mga kaibigan na iyong pagkakatiwalaan. Gayundin, mag-ingat ka sa pagpapalakad ng iyong negosyo. Kung sa kasalukuyan ay mahina ang kita nito, ang panaginip mo ay nagpapahiwatig na balak mong mag-iba na ng negosyo. Gamitin mo ang iyong talino sa pagpapalit ng negosyo. Huwag kang sugod nang sugod kung wala namang karanasan sa bagong negosyong gusto mong pasukan. Magtanong-tanong ka muna at um-attend ng seminar.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page