top of page
Search
  • BULGAR

Nagugutom dumami, kaya hirit ng M'cañang na asensado na ang ‘Pinas, fake news!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 4, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SA SURVEY NG SWS, NADAGDAGAN ANG BILANG NG MGA NAGUGUTOM SA ‘PINAS, KAYA IYONG IBINIDA NG MALACAÑANG NA ASENSADO NA ANG BANSA, FAKE NEWS! -- Sa latest survey ng SWS ay nadagdagan daw ng 14.2% o katumbas ng 14.2 milyong pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay nakaranas ng gutom sa panahon ng Marcos administration.


Patunay ‘yan na fake news ang ibinibida ng Malacañang na umaasenso at bumubuti na raw ang pamumuhay ng mga Pinoy sa ilalim ng “Bagong Pilipinas” slogan ng Marcos admin, boom!


XXX


PAMUMULITIKA ANG INAATUPAG NI PBBM IMBES NA SOLUSYONAN ANG KAHIRAPAN AT KAGUTUMAN SA ‘PINAS -- Pinutakti na naman nang batikos si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa inanunsyo niya na plano raw ng partido niyang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na makipag-alyansa sa mga partidong Lakas-CMD, Nationalist People’s Coalition (NPC) at National Unity Party (NUP).


Aba’y mababatikos talaga siya, kasi imbes solusyonan ang tumitinding kahirapan at kagutuman sa bansa, eh ang inaatupag ay pulitika, buset!


XXX


SANA HINDI LANG PANG-UUNGGOY SA PINOY ANG IBINIDA NI HOUSE SPEAKER ROMUALDEZ NA BABAWASAN ANG PRESYO NG PER KILO NG BIGAS -- Ibinida ni House Speaker Martin Romualdez na tinatrabaho na raw ngayon ng Kamara na mabawasan ng P10 hanggang P15 ang per kilo ng bigas sa bansa, na kapag nangyari ito ay posibleng maging P30 na lang daw per kilo ng bigas sa ‘Pinas.


Sana nga magkatotoo ang sinabing ‘yan ni Romualdez, at hindi pabida at pang-uunggoy lang sa mga Pinoy, period! 


XXX


ALYAS ‘JACKY’ NA BAGONG SMUGGLER, NAGPUPUSLIT DIN DAW NG SHABU -- May isang bagong smuggler na naman daw na kilala sa alyas na “Jacky” ang nag-o-operate sa Customs at ang karima-rimarim sa kanyang raket ay iyon daw mga smuggled product nito na ipinupuslit papasok sa Pilipinas ay may mga palamang shabu.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page