top of page

Nagsusuklay sa harap ng salamin, babala ‘di na labs ng dyowa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2021
  • 2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 15, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dodong ng Taguig.


Dear Maestra,

Hangang-hanga ako sa pag-aanalisa n’yo ng mga panaginip at sa pagbibigay n’yo ng payo sa bandang huli dahil marami akong natututunan. May napupusuan na akong babae at balak ko nang pakasalan siya. Binabalak ko ring magtayo ng maliit na negosyo. Ibig kong malaman ang kahulugan ng aking mga panaginip.

Una ay napanaginipan kong nasa harap ako ng salamin at nagsusuklay. Napakagulo ng buhok ko at kulay gray ito, tapos last Friday, napanaginipan ko na may hawak akong martilyo at pilit kong pinupukpok ‘yung malaking pako sa pader. Ano ang ipinahihiwatig ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Dodong


Sa iyo, Dodong,

Ang ibig sabihin ng nagsusuklay ka ay babala na ang kasintahan mo ay hindi tapat sa iyo o may iba siyang minamahal kung saan palaging siya ang nasa isip niya sa halip na ikaw.


‘Yun namang kulay gray ang buhok mo ay nangangahulugan na daranas ka ng kabiguan at panghihinaan ng loob sa mga problemang kinakaharap mo sa buhay.


Habang ang panaginip na magulo ang buhok mo ay nagpapahiwatig na mapapaaway ka dahil sa sobrang kadaldalan o pagsasalita ng mga bagay na hindi nagugustuhan ng kausap mo. Dahil dito, maghinay-hinay ka sa pagsasalita. Iwasan mong makipagdebate sa mga kausap mo upang hindi ka mapaaway.


Samantala, ang huling panaginip mo tungkol sa martilyo ay nagpapahiwatig na uunlad ang binabalak mong negosyo, subalit makararanas ka muna ng matitinding problema sa umpisa. Gayunman, mabilis mong magagawan ng paraan at malulunasan ang anumang problema na kakaharapin mo.


Hanggang dito na lang. Ipinatag mo ang iyong kalooban. Huwag mong masyadong dibdibin ang mga problema.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page