top of page

Nagsusuklay, pahiwatig na iba ang pinapantasya ng dyowa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 16, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 16, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorry ng Batangas.


Dear Maestra,


Nawa’y patuloy kayong gabayan ng Panginoon sa inyong kolum tungkol sa panaginip nang sa gayun ay maging gabay namin ito sa aming pang-araw-araw na buhay. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na gusot na gusot ang buhok ko, kaya kumuha ako ng suklay upang suklayin ito. Napansin kong hindi na itim ang kulay ng aking buhok at naging gray ito. Pagkatapos kong magsuklay, ang dumi-dumi ng mga kamay ko. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,


Lorry


Sa iyo, Lorry,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagsusuklay ka, ang dyowa mo ay may ibang pinapantasya, kumbaga, hindi ikaw ang palaging nasa isip niya.


Ang sabi mo ay naging gray ang iyong buhok na dati ay itim, ito ay nangangahulugan ng kawalan ng pag-asa. Madali kang panghinaan ng loob at parang suko ka na sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran.


‘Yun namang magulo ang iyong buhok, ang ibig sabihin nito ay mapapaaway ka dahil sa sobrang kadaldalan. Iwasan mong magsalita ng kung anu-ano kapag kasama ang iyong mga kaibigan.


Umiwas ka sa tsismis upang hindi ka mapaaway o madamay sa kaguluhan dahil sa sobrang kadaldalan.


Samantala, sabi mo ay ang dumi-dumi ng kamay mo matapos magsuklay, ang ibig sabihin nito ay mag-ingat ka sa iyong mga iniisip. Maaari kang magkamali sa pagpapasya kapag basta-basta kang magdedesisyon. Maaari kang makagawa ng maling desisyon sa darating na mga araw kaya dobleng pag-iingat ang dapat mong gawin.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page