Search
  • BULGAR

Nagso-show ang Eat Bulaga! MAINE, NADULAS HABANG NAKAUPO, BINTI NAPURUHAN

ni Rohn Romulo - @Run Wild | July 2, 2020




Nakita namin ang tweet ni Maine Mendoza na nasugatan at nagkapasa nang mag-slide siya habang nakaupo sa railing ng set ng Eat… Bulaga! kung saan naka-break sila at naghihintay na mag-air.


Nawala ang balanse ni Maine kaya tuluyan na siyang nahulog. Akmang sasaluhin siya ni Paolo Ballesteros, pero hindi siya inabot nito, kaya inalalayan na lang siyang tumayo.

Tawang-tawa naman si Jose Manalo at sinabing, "Ba't ba nagpapadulas ka?"


Natawa rin si Paolo, habang tumakbo rin papalapit si Pia Guanio kaya natawa na rin si Maine sa kanyang ginawa kahit na alam mong nasaktan siya.


Ipinakita ni Maine ang kanyang pasa at galos sa binti, at nag-tweet ng "Oy, masakit 'to, 'noh!"


Sayang lang at wala roon si Alden Richards, for sure, matataranta rin ito sa nangyari kay Maine.


Mabuti na lang at hindi nabalian si Maine, dahil kahapon sa Eat… Bulaga!, okay naman siya na parang walang nangyari.


Samantala, nag-post ang All Access to Artists na magkakaroon ng virtual celebration para kay Maine sa July 4 sa kanyang fifth anniversary at mapapanood ito at 8 PM sa kanilang Facebook account.


July 4, 2015 unang lumabas si Maine sa Eat… Bulaga!, kaya abangan na lang this Saturday kung may celebration ding inihanda ang noontime show.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.