Nagsinungaling sa ermat at nasugatan ang paa
- BULGAR
- Sep 21, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 21, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Giovanni ng Pasig.
Dear Maestra,
Pangatlong beses na itong pagkonsulta ko sa inyo ng mga panaginip ko. Maraming salamat sa pag-aanalisa sa mga ipinadala kong panaginip noon. Tama ang lahat ng kahulugan nito, kaya heto na naman ako para magpaanalisa muli sa inyo.
Napanaginipan ko na napilitan akong magsinungaling sa mother ko upang hindi niya mabisto na kasama ko ang mga kaibigan ko at nag-swimming kami sa isang beach. Nasugatan ang paa ko kaya pag-uwi ko ay napansin agad ito ng nanay ko, kaya muli akong nagsinungaling sa tunay na nangyari. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Giovanni
Sa iyo, Giovanni,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagsinungaling ka sa nanay mo ay may makikilala kang mga bagong kaibigan na mababait at totoong kaibigan. Gayundin, tapat silang makisama at mapagkakatiwalaan.
‘Yun namang nasugatan ang paa mo, ito ay nagpapahiwatig na makapag-aasawa ka ng mahirap at hindi napabibilang sa mayamang angkan. Hindi rin siya marunong sa mga gawaing bahay at hindi magiging mahusay na kabiyak ng buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments