Nagsasayaw na babae sa harap ng PhilHealth executive sa oras ng trabaho, ipinakita
- BULGAR

- Aug 25, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 25, 2020

Bilang regalo sa kaniyang kaarawan, nakatanggap umano ng isang box ang isa sa Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) executive sa kaniyang opisina. Ito ay naglalaman ng isang babaeng sasayaw sa harap nito.
Nakakita umano ang Senate Blue Ribbon Committee ng ebidensiya nito tulad ng isang video recording ng birthday celebration ni PhilHealth Regional Vice-President (REGION IV-B) Paolo Johann Perez na isa ring sangkot sa miyembro ng PhilHealth “mafia”.
Ipinakita ni committee chair Sen. Richard Gordon ang video sa isang online press conference bilang kasama sa imbestigasyon. Makikita sa video na sumasayaw ang babae sa harap ni Perez sa mismong opisina nito.
Sa committee report, sinabi na nag-enjoy si Perez sa performance ng babae at makikitang nakangiti sa video. Hindi umano ito nag-report sa ginawa ng empleyado na magdala ng babae.
Bukod pa rito, nangyari rin umano ito sa oras ng trabaho. Makikita rin sa video na nakapaligid ang ibang staff at nagsisigawan na parang nasa night club.
Ayon naman kay Perez, ito ay isang surprise party at sinabing walang nude dancer at tanging performer lang. Inimbitahan lang umano siya ng mga empleyado para kumain bago pa man magsimula ang show.
Isa si Perez sa 8 PhilHealth official na sangkot sa anomalyang mafia sa Senate panel report.





Comments