Nagpo-post ng parinig daw kina Ellen at Derek, hindi siya…
- BULGAR

- Mar 7, 2021
- 2 min read
JOHN LLOYD, IDINENAY NA MAY FB, IG AT TWITTER ACCOUNT
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 7, 2021

Itinanggi ni John Lloyd Cruz na meron siyang Facebook account or kanit ano'ng social media account. Nilinaw ito ng aktor sa pamamagitan ng isang short video na naka-post sa Instagram Story ni Maja Salvador.
“Wala po akong Facebook, wala po akong Instagram, wala po akong Twitter, wala po akong kahit ano'ng social media account,” pahayag ni Lloydie.
“Ano'ng meron ako? May shooting ako,” sey pa niya sabay-tawa.
Bukod dito ay nagpadala rin siya ng official statement sa PEP kung saan ay ipinahayag niya na ang FB account na @johnlloydcruzofficial ay hindi sa kanya at wala raw karapatan na gamitin ang kanyang pangalan at mga larawan para magbigay ng opinyon at saloobin na hindi raw nanggaling sa kanya.
Wala rin daw siyang Lyka account kaya mag-ingat sa pagbibigay ng gems.
Matatandaang lately ay sunud-sunod ang mababasang post sa nasabing FB account kabilang na ang “love advice” niya kay Joshua Garcia.
May cryptic post din na lumabas sa nasabing account na nagsasaad na “It would be okay. Maybe not today. But it will. Good evening,” at ikinonek ito ng mga netizens sa relasyon ng ex niyang si Ellen Adarna at ni Derek Ramsay.
As we write ay wala na ang nasabing account sa Facebook.
Ang tanong ng marami ngayon ay kung hindi rin ba kanya ang @dumpsitegallery account na nasa Instagram na noon pa ay siyang alam ng mga netizens and taga-showbiz na kanya. In fact, ilang beses nang na-pick-up ng mga entertainment news sites and newspapers ang kanyang mga posts dito.
But then, matagal nang hindi aktibo ang nasabing IG account at ang last post pa ay May, 2020.





Comments