Nagpatutsada raw sa GMA-7 stars… SASSA GURL, NA-BASH SA HIRIT NA “WALANG PLASTIKAN”, TODO-SORRY

ni Sarah Munoz (OJT) @Special Article | August 7, 2026

Photo: IG _itssassgurl
Matapos umani ng iba't ibang reaksiyon ang kanyang biro tungkol sa Kapuso Network sa nakaraang Regal Entertainment’s Saving Cherry mediacon, humingi ng paumanhin ang content creator at comedian na si Sassa Gurl.
Nag-ugat ang isyu sa mediacon ng Saving Cherry nang after sabihin ni AC Bonifacio na masaya siyang makasama for the first time ang mga Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Mikee Quintos at Mika Salamanca, humirit si Sassa Gurl ng “Naloka ka sa mga Kapuso, ‘no? Walang plastikan, ‘no?”
Dahil dito, nakatanggap siya ng sangkatutak na pamba-bash mula sa mga netizens.
Sa kanyang pahayag, nilinaw ni Sassa na wala siyang intensiyong makasakit o makainsulto sa GMA Network at sa mga Kapuso artists. Aniya, biro lamang ang kanyang sinabi at hindi niya inaasahang magkakaroon ito ng negatibong interpretasyon.
Dahil dito, agad na naglabas ng public apology si Sassa at inaming hindi naging maganda ang naging dating ng kanyang biro.
Iginiit din niya na malaki ang respeto niya sa GMA Network at sa mga artistang bahagi nito. Wala rin umano siyang hangaring lumikha ng alitan sa pagitan ng mga Kapuso at Kapamilya supporters.
Matapos ang kanyang paghingi ng paumanhin, hati ang naging reaksiyon ng mga netizens. May mga nagsabing tama lamang ang kanyang ginawa upang linawin ang isyu, habang may ilan ding nanindigang wala namang masamang intensiyon ang comedian at bahagi lamang ito ng kanyang estilo ng pagpapatawa.
Sa kabila ng kontrobersiya, imaasa si Sassa na magsisilbing aral ang pangyayari at muling maibabalik ang atensiyon ng publiko sa kanyang trabaho bilang content creator at performer.
Dalawampung taon matapos isantabi ang kanyang pag-aaral para sa kanyang showbiz career at personal life, sa wakas ay naka-graduate na ng kolehiyo ang aktres-komedyanang si Cai Cortez!
Ibinahagi ni Cai sa social media ang ilang larawan mula sa kanyang graduation rites habang suot ang toga at hawak ang diploma.
Kasabay nito, ipinahayag niya ang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang mahabang paglalakbay bilang estudyante.
Ayon sa aktres, hindi naging madali ang pagsabayin ang pagiging artista, asawa, ina at estudyante, ngunit pinatunayan niyang walang imposible kung may tiyaga at determinasyon.
Umabot ng halos dalawang dekada bago niya tuluyang nakamit ang kanyang diploma, ngunit para kay Cai, naging sulit ang lahat ng sakripisyo at paghihintay.
Marami namang kapwa artista at netizens ang bumati kay Cai matapos niyang ibahagi ang magandang balita. Pinuri rin siya ng kanyang mga tagasuporta dahil nagsilbi siyang inspirasyon sa mga taong nangangarap pa ring makapagtapos ng pag-aaral anuman ang kanilang edad o sitwasyon sa buhay.
Hindi si Cai ang unang celebrity na bumalik sa pag-aaral upang tapusin ang kolehiyo. Nitong mga nakaraang buwan, ilang kilalang personalidad din ang nagtapos ng college degree tulad nina Epy Quizon, Geneva Cruz, Wilbert Tolentino atbp., patunay na hindi hadlang ang edad o trabaho sa pag-abot ng pangarap.
Sa kanyang mensahe, ipinakita ni Cai na ang pagtatapos ay hindi lamang tungkol sa diploma kundi sa pagtupad sa isang matagal nang pangarap.





Comments