top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nagpasaya na, kumita pa… PAG-AMIN NINA MARIS AT RICO BLANCO, WAIT NA LANG SA YOUTUBE CHANNEL

BULGAR
Mar 20, 2021
2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | March 20, 2021




Lumikha ng ingay ang paglantad ni Maris Racal sa kanyang Instagram account sa relasyon nila ng singer na si Rico Blanco. Marami tuloy ang biglang nagkainteres na tutukan ang bawat post ni Maris sa kanyang social media accounts.


Kaya lang, imbes na mag-take advantage si Maris sa biglang "kasikatan" niya sa social media, tila nabawasan ang pag-post ni Maris especially sa kanyang Twitter account.


Before ng pa-'big reveal" ni Maris sa relasyon nila ni Rico, maya't maya ang pag-tweet niya sa Twitter. Nakipagsabayan talaga siya ng pag-tweet sa naglalakihang celebs gaya ng mga It's Showtime hosts na sina Anne Curtis, Vice Ganda and Kim Chiu.


On her latest IG post, panay ang push ng mga netizens na maglabas ng 'official statement' (official statement?!!!) si Maris tungkol sa kanila ni Rico.


"Maris, maglabas na po kayo ng statement ni Rico kung ano talaga ang totoo. Pls. lang. Para matahimik na kaming lahat."


May ilang netizens ang nagsabi na maghintay lang at baka naghahanda na sina Maris at Rico para sa gagawin nilang 'big reveal' online.


For sure, mapapanood ang 'official announcement' nina Maris at Rico sa kanilang YouTube channel.


Eh, bakit hindi, lahat naman halos ng mga artista, sa YouTube na mapapanood kapag may pa-big reveal. Napasaya na ang kanilang followers, may kita pa!


Anyway, bago pa ang kontrobersiyal na pagbati ni Maris sa kaarawan ni Rico on her IG ay may naunang post na ang ex-girlfriend ni Iñigo Pascual sa performance niya sa katatapos lang na Pinoy Big Brother Connect Edition Big Night ng ABS-CBN.


Nag-perform si Maris sa PBB Connect edition kasama ang former PBB housemates na sina Kim (PBB Teen Edition Season 1), Maymay Entrata (PBB Lucky7 Edition) at si Toni Gonzaga.


Sa true lang, isa kami sa mga nagulat nu'ng mapanood namin si Maris na nag-perform sa opening production number sa gabi ng announcement para sa bagong PBB Big Winner.


Kung naaalala n'yo pa, si Maris ang naging second placer sa PBB All In Edition noong 2014. Isa siya sa mga naging busiest stars sa Kapamilya Network doing one project after another, minsan may nagkakasabay pa.


But last year, after ma-shutdown ang ABS-CBN ng House of Representatives at naalok to do a show sa TV5, hindi ito pinalampas ni Maris.


Nag-post si Maris ng mga photos niya suot ang outfit na ginamit niya para sa kanyang performance sa PBB last Sunday.


Caption ni Maris, "It feels so good to be back! thanks for having me tonight PBB."


One 'big comment' sa IG story ni Maris ang comment ng ABS-CBN executive na si Direk Lauren Dyogi.


"Welcome home," comment-post ni Direk Lauren.


Labis namang ikinasiya ng mga fans/followers ni Maris ang comment ni Direk Lauren. Halos lahat ay nag-reply ng pasasalamat.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page