top of page

Nagpaopera para gumanda… NORA, AMINADONG KASALANAN NIYA KUNG BAKIT NAWALA ANG BOSES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2024
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 20, 2024



Showbiz News
Photo: Nora Aunor / Maricel Soriano channel

Hanggang ngayon ay lungkot na lungkot pa rin ang Superstar na si Nora Aunor sa pagkawala ng kanyang boses dulot ng isinagawang operasyon sa kanya noon.


Bunga nito, hindi na nga siya nakakanta, na siyang labis niyang ikinalulungkot.


“Ang pinaka-love ko talaga ay ang pag-awit,” sabi ni Ate Guy sa panayam niya sa latest vlog ni Maricel Soriano.


“Kundi dahil sa pagkanta, ‘di ako makakatulong sa pamilya at hindi rin ako makikilala ng mga tao. Kaya nu’ng masira ‘yung boses ko — sinira nila, eh, para bang sinadya — eh, hanggang ngayon, hindi ako nakakakanta,” malungkot na wika ni Ate Guy.


Hindi pa nga rin niya nakakalimutan ang eksaktong nangyari nang mawala ang kanyang boses.


“Nasa States ako nu’n, eh. May pumunta sa ‘kin, sabing ganu’n, dadalhin daw ako sa Japan kasi kukunin ako bilang parang mag-eendorso ng isang (facial product).


“Pagdating ko du’n, pinahiga ako, pinatulog. Paggising ko, wala na akong boses. ‘Yun ang totoong nangyari du’n. Hanggang ngayon, wala nang boses,” pagre-recall ng Superstar.


Bagama’t idinemanda niya raw ang mga taong involved, hindi na rin naibalik ang kanyang boses.


Ang tinutukoy ni Guy na operasyon sa Japan ay naganap noong 2010 at naging isang malaking balita ito noong mga panahong iyon.

Dapat ay ooperahan daw siya noon para maibalik ang kanyang boses, pero hindi na raw ito nangyari.


“Sayang nga, eh. Siguro, kasalanan ko rin,” aniya.

Tinanong ni Maria kung puwede pa siyang magpaopera ngayon at ayon kay Ate Guy, hindi na raw.


“Ngayon, ‘di na. Kasi ang sabi ng doktor noon, ‘yung vocal cord, hindi naman tinamaan, kaya lang malalim ang tinamaan sa ‘kin. ‘Yun ang dapat naoperahan noon,” aniya.


“Sayang nga, kasi ‘pag may mga kumakanta na nakikita ko, parang gusto kong kumanta. ‘Pag naaalala ko, nalulungkot ako siyempre. D’yan ako unang nakilala, tapos, ang pag-arte naman sa ‘kin, pangalawa lang,” dagdag pa niya.



OPISYAL nang sinimulan ng engaged couple na sina Edgar Allan Guzman (EA) at Shaira Diaz ang preparasyon para sa kanilang kasal.


Inanunsiyo ito ni Shaira sa kaniyang Instagram (IG)account.


Nag-upload ang aktres ng reel kung saan ay makikitang super sweet silang nagsasayaw ng dyowa.


“And so the wedding preps have officially begun… (church emoji),” caption ni Shaira.


Sumagot naman si EA sa comment section at sinabing napakasaya niya.


“Mahal na mahal kita… ang saya-saya ko, Baba... (teary-eyed at ring emoji),” sabi ng aktor.

Sa nakaraang interbyu ay nabanggit nina Shaira at EA na sa taong 2026 pa ang plano nilang magpakasal dahil ayon sa aktor ay nag-iipon pa raw siya.


Na-engaged sina Shaira at EA Guzman noon pang 2021, pero nito lang nakaraang Pebrero 2024 nila ito inanunsiyo sa publiko. The engaged couple have been practicing celibacy since their relationship started 11 years ago. 


Ayon kay Shaira, ipinangako niya raw sa kanyang mga magulang na malinis siyang haharap sa altar.


“I’m really just honoring my family, especially my mom and dad. ‘Yun ang promise ko talaga sa kanila na kahit iwan mo ako saan, eto, buong-buo pa rin ako,” sabi ni Shaira Diaz sa isang panayam.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page