top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nagpalit ng damit, pahiwatig na ‘di magtatagumpay ang mga kaaway

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 10, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 10, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Thelma ng Samar.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagluto ako ng pagkain para sa dinner ng aking pamilya.


Nadumihan ang damit ko habang nagluluto, tapos pinalitan ko muna ito at tsaka tinawag ang family ko para kumain.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Thelma


Sa iyo, Thelma,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagluto ka ng pagkain para sa family dinner ay nangangahulugan na magiging maligaya ang bonding n’yo ng pamilya mo. Ang nadumihan ang damit mo habang nagluluto ay nagpapahiwatig na may pagsubok na darating sa buhay mo, pero malalagpasan mo ito.


Samantala, ang pinalitan mo ang damit mong nadumihan, tsaka tinawag ang pamilya mo para kumain ay nagpapahiwatig na magagapi mo ang iyong kaaway. Hindi siya magtatagumpay na wasakin ang reputasyon mo ng mga taong naiinggit sa iyo.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page