Nagpakilalang mag-ina ni Francis M, lumantad na
- BULGAR

- Oct 17, 2023
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | October 17, 2023

Viral at pinag-uusapan ang inilabas ng Pinoy Pawnstars sa kanilang bagong vlog ngayong Martes, Oktubre 17, kung saan lumantad na ang diumano'y dating karelasyon at anak ng 'Master Rapper' na si Francis Magalona (SLN).
Bitbit nga ni Abegail Rait kasama ang kanyang anak na si Francesca ang jersey na iniwan ni Magalona para magsilbing alaala. Sabi pa ni Rait, 'yun daw ang naging "early premonition" ng rapper sa kanya.
Naging emosyonal nga si Rait sa pagbabahagi ng kanilang naging kuwento at sinabing walang katumbas na halaga ang jersey ng dating karelasyon.
Pahayag niya, dinala niya lang ito sa sikat na shop para mas maalagaang mabuti at maging memorabilya na rin ni Magalona.
Ibinida naman ng kanilang anak na si Francesca ang talento nito sa pagra-rap na namana raw nito sa kanyang ama.
Naantig nga ang marami sa naging istorya ng mag-ina at inulan ang video ng suporta at pagmamahal galing sa mga fans ng yumaong si Francis Magalona.
Sa isang hiwalay na post, ibinahagi ni Abegail ang kanilang pagbisita sa puntod ng rapper sa Marikina.




Comments