Nagpakatotoo lang daw… DIREK CATHY, AMINADONG NAI-INSECURE DAHIL MASYONDA NA AT LAYLAY NA ANG BALAT
- BULGAR
- Aug 8, 2020
- 3 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 8, 2020

Ang sarap talagang panoorin ng limang sikat na direktora kapag sinasagot nila ang personal questions sa kanila dahil walang ka-showbiz-an, kaya inaabangan namin parati ang huntahan nina Direk Cathy Garcia-Molina, Mae Cruz-Alviar, Irene Villamor, Sigrid Andrea Bernardo at Antoinette Jadaone na may titulong Girls Wanna Have Fun - Paha-Bowl na uploaded sa YouTube channel ng Nickl Entertainment.
Tungkol sa panlabas nilang kaanyuan ang tanong na "How will you rate your looks from 1-10? 10 being the highest."
“Ako 5, kaya ayaw kong magpa-picture, hate na hate ko ang pictorial, hindi rin ako nagse-selfie, so 'yun lang, wala akong salamin, so hindi ko alam, ha, ha!” mabilis na sabi ni Direk Irene.
"Seryoso ka, hindi ka nagsasalamin?" balik-tanong ni Direk Cathy.
"Opo, sa umaga lang 'pag nagtu-toothbrush, pero the whole day, wala na, kaya kahit sa set, 'pag nagdidirek ako, ang gulu-gulo ng buhok ko. So, ganu’n, wala akong care,” kuwento ni Direk Irene.
"Tanungin ba natin si Dan (Villegas),” biro nina Direk Irene at Cathy nang si Direk Tonette na ang sasagot.
“Ha, ha, or else hindi ako maghuhugas ng pinggan, charot!" birong sabi rin ng kasintahan ni Direk Dan.
Sa pagpapatuloy pa, “Siguro, nu’ng bagets pa ako, mga 4 or 5. Eh, ngayon siguro, mga 8, eh, wala na akong magagawa, kaya tanggapin na lang, 'di ba? Pero nu’ng bata ako, sobrang insecure ko kasi maliit ako, tapos pangit skin ko, kaya kailangan kong galingan! Ganu’n 'pag hindi masyadong maganda, kailangan, galingan. Dapat witty ka, dapat nakakatawa ka, kasi 'pag maganda ka, kahit hindi ka masyadong magaling, maganda ka pa rin (sa paningin ng iba). Pero 'pag matanda ka na, mari-realize mo, kebs (keber) lang naman."
"Naku, 10 si Direk Mae," sabay-sabay na sabi ng apat na direktora. "Artistahin kasi si Direk Mae," sabi pa nila.
Nangingiti naman ang tisay na direktora na sinabing "Ako, 8. Uy, totoo na insecure ka talaga kahit sinong babae, insecure about the looks. I’m sure meron ding hindi pero ibig kong sabihin, kahit pinakamaganda, parang laging may problema sa sarili na nakikita. They never feel that they’re perfect. In fact, the prettier, the more insecure. Tama rin ‘yung sinabi ni Tonette, as you get older, kebs. Eto na ‘yun, wala na tayong magagawa d’yan. Nakahanap naman ako ng asawang tanggap ako, okay na ako."
Para kay Direk Cathy, “Buti pa kayo, ganyan, ako baligtad. When I was younger, parang kaya kong sabihin ang magagandang bagay sa sarili ko. But as I grow older and I get fatter and I get all of these saggy skin at all, tapos nakikita ko ang sarili ko sa salamin, heto, bumabagsak na siya, ngayon ako sobrang insecure. Hindi ko pa siya natatanggap na (may-edad na), buti na lang dyowa ko, tanggap."
"Baka naman midlife crisis lang ‘yan," saad ni Direk Mae.
Sagot agad ni Direk Cathy, "Possible, I’m getting there. Well, I’m turning 49 this year, November, malapit-lapit na. Kaya girls, bantayan n'yo ‘to, pipili ka, eh. Mukha kang bata pero mataba ka, or fit ka, sexy ka, pero mukha kang matanda? You can’t have both. Ako pala, 6 (ratings).”
At ang esplika ni Direk Sigrid, “Alam mo si Uge (Eugene Domingo), kasi taga-theater 'yan, Dulaang UP, so pareho kaming Dulaang UP na ang itinuro sa amin, na sa theater talaga is very cruel. So, pagdating ko sa theater talaga, ibinagsak 'yung self-esteem namin na 'pag pangit ka, wala kang role. So, pangit ako kaya 2 (points) lang ako. Nu'ng college ako, 2!
"Grabe na ang self-confidence ko noon, ang ganda ko na nu’n. So, ganu’n sa theater at nagulat ako after ng college at nagtrabaho na ako, sabi ‘Uy, maganda pala ako, ha, ha, ha.' Gusto kong i-rate ang sarili ko ng 10 pero hindi kaya, feeling ko 5 ako at hindi maganda. As in lagi akong insecure, hindi ko alam kung bakit. Siguro, trauma rin nu'ng college kasi iniisip mong hindi ka maganda, so after nu’n, nawala ‘yung self-confidence ko sa physical.”
Naibahagi naman ni Direk Cathy na ang dalawang kaibigan niyang direktor na sina Efren Vivar at Nuel Naval ang nagsabing maganda siya dahil tingin niya sa sarili ay pangit lalo’t lumaki siya sa probinsiya at sa kanilang magkakapatid ay siya lang ang negra.
Ang tingin din daw niya sa binti niya ay pangit, pero sinabihan siyang maganda kaya simula noon ay lagi na siyang naka-shorts na hindi na niya nagawang mag-pantalon dahil nagpapawis na ang binti niya.
Comments