top of page

Nagpahaging na… MAYOR ISKO, TULOY SA 2022!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 18, 2021
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 18, 2021



ree

Nagkita-kita sa unang pagkakataon ang mga bida sa Yorme movie na sina Xian Lim at McCoy de Leon with Manila Mayor Isko Moreno sa Bulwagang Antonio J. Villegas kahapon.


Never pa palang na-meet nang personal nina Xian at McCoy si Mayor Isko, not even sa shooting ng biopic ng aktor-politician. Kaya ganu'n na lang ka-excited ang dalawang aktor na gumanap bilang si Mayor Isko sa Yorme directed by Joven Tan.


Prior to mayor’s entrance sa Bulwagan ay ibinulgar ng producer ng Yorme na si Ms. Edith Fider ng Saranggola Media Productions na hindi tumanggap ng kahit singkong kabayaran si Mayor Isko para sa rights ng kanyang life story at talent fee sa movie.


“Yes, I don’t care. I always give my money to, alam mo kanina, tumitira ako ng Starbucks bago ako lumabas, 'noh? I have a Zoom meeting. As much as possible, may awa ang Diyos, kung makakatulong ang karakter ko by endorsing something, by doing something, and in return ang tulong na ‘to ay maitutulong ko sa kapwa ko."


Dahil sa magandang performance ni Mayor Isko sa Maynila, isa ang pangalan niya sa mga matunog na kakandidato sa pagka-pangulo sa 2022.


Tinanong ang Manila mayor tungkol dito at sinagot niya ang mga nagsasabi na hindi lang ang Maynila ang nangangailangan sa kanya kundi ang buong Pilipinas.


Natawa nang malakas si Mayor Isko bago nagsalita.


“Basta today, what we’re gonna do before October 1, before decisions will be made, you deserve better things from your government. I took an oath to serve the people of Manila and I will do so. In the next coming days, months and year for the people of Manila and the city of Manila. So, trabaho lang ako. Trabaho, trabaho, trabaho. Nothing more, nothing less."


As it is, tuluy-tuloy lang daw ang pagsisilbing gagawin niya hanggang sa 2022 at base sa mga sinabi sa amin ni Mayor Isko, may feeling lang kaming posible ngang tumakbo siya sa mas mataas na posisyon.


“And as I have told you minutes ago, bababa ako sa isang programa na pinagtiyagaan namin, na kinumbinse ko ang mga nasa ahensiya ng burokrasya ng lokal na pamahalaan to go into this technology, to serve the people with ease and fairness. At sa awa ng Diyos, ayan, titirahin namin ngayon.”


Kinuha namin ang reaksiyon ni Mayor Isko tungkol sa diumano’y sinabi ni Sen. Manny Pacquiao na kapag siya ang naging presidente ng Pilipinas, wala nang magiging mga squatter.


“Well, basta kami rito sa Maynila, meron kaming Tondominium 1, Tondominium 2, Binondominium1, Vaseco community. It’s being built, because I, bilang iskuwater, alam ko ang katayuan ng pagiging isang iskuwater. I, bilang renter, alam ko ang katayuan ng isang nangungupahan.


"This is being addressed by the city. In the coming months, weeks, you will see that we will continue to address this problem of ours, this perennial problem of ours. Hindi ito pangako. Gawa na ‘to," paniniyak pa ni Mayor Isko.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page