Nagmistulang mga Marcos bloggers sina Isko, Lacson at Gonzales sa pag-atake kay Leni
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 19, 2022
SABLAY ATAKE NINA ISKO, LACSON AT GONZALES KAY LENI — Sablay ang atake nina presidential candidates, Mayor Isko Moreno, Sen. Ping Lacson at Norberto Gonzales kay Vice Pres. Leni Robredo na katunggali nila sa presidential election, na kesyo ayon sa kanila ay pinapaatras daw sila sa laban, pero never daw silang aatras at pagkaraan ay saka bumanat uli si Yorme na si Leni raw ang dapat umatras sa pampanguluhang halalan.
Kaya natin nasabing sablay sila, kasi akala nila ay mapupuri sila ng publiko sa atake nila kay VP Leni, eh ang masaklap hindi ganu’n ang nangyari, dahil sila (Isko, Lacson at Gonzales) ang pinutakti ng batikos sa social media, boom!
◘◘◘
ATAKE KAY LENI, NAG-BOOMERANG KAY BBM — Ang atake nina Isko, Lacson at Gonzales kay Leni ay nag-boomerang din kay presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos.
Pinagdudahan kasi ng netizens sa social media na kakampi na nina Isko, Lacson at Gonzales si Marcos kaya inaatake nila si VP Leni.
May punto namang magduda ang publiko, kasi sa totoo lang ay nagmistulang mga pro-BBM (Bongbong Marcos) bloggers sina Isko, Lacson at Gonzales sa pag-atake nila kay VP Leni, period!
◘◘◘
SA SURVEY NG PUBLICUS, MAS PINAGKAKATIWALAAN DAW ANG NETWORK NI QUIBOLOY KAYSA IBANG NETWORK AT MAINSTREAM MEDIA, EH DI WOW! — Naglabas ng survey ang Publicus Asia na mas pinagkakatiwalaan daw ng mga Pilipino ang SMNI network na pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy kaysa ibang TV network at mga mainstream media.
Ganu’n? Aba’y sana’y hindi na naglabas ng ganyang survey ang Publicus Asia kasi dahil d’yan ay mas lalong nawalan ng kredibilidad ang kanilang kompanya kung pagsu-survey ang pag-uusapan, boom!
◘◘◘
MATAPOS MAG-PREDICT ANG GOOGLE NA SI LENI ANG MAGWAWAGI, AGAD NAGLABAS NG SURVEY ANG OCTA NA TOP PA RIN SI BBM — Matapos mag-predict ang Google na si Leni ang magwawaging presidente, ay naglabas naman ng resulta ng survey ang OCTA Research na top pa rin daw sa mga kandidato sa pagka-presidente si BBM.
Pagkatapos ng halalan sa May 9, 2022 ay d’yan pa lang malalaman ng publiko kung alin sa Google at OCTA (maging sa mga survey ng SWS, Pulse Asia at Publicus) ang tama ang prediksyon, tama ang survey, abangan!





Comments