top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Naglaro ng target shooting kasama ang tropa

BULGAR
Nov 24, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 24, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Manny ng Sampaloc, Manila.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na niyaya ako ng kaibigan ko na mag-target shooting. Sa una ay nasapul ko ang gitna ng target, subalit sa pangalawang subok ay hindi ko na nasapul ang tinatarget ko. Tumigil ako at pinanood na lang ang kaibigan ko, na siya namang sumalang sa target shooting.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Manny


Sa iyo, Manny,


Ang panaginip mo na niyaya ka ng kaibigan mo na maglaro ng target shooting at sa unang beses ay nasapul mo ang gitna ay nangangahulugan na magtatagumpay ka sa iyong mga pinapangarap. Subalit ang sabi mo ay hindi mo na nasapul ang target sa pangalawang subok mo ay nagpapahiwatig naman na magkakaroon ng sagabal ang mga pinaplano mo sa buhay, kaya made-delay ito bago magkaroon ng magandang resulta.


Samantala, ang tumigil ka na lang at pinanood ang kaibigan mo ay nagpapahiwatig na may kaibigan ka na hinahangaan mo at siya ang iyong inspirasyon sa buhay para makamit ang pangarap mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page