top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Naglaro ng Ouija boards, 28 batang babae isinugod sa ospital

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 12, 2023
1 min read

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 12, 2023




COLOMBIA — Isinugod sa ospital dahil sa anxiety ang 28 estudyante, pawang mga babae, matapos umanong maglaro ng Ouija boards sa kanilang paaralan.


Ayon sa panayam ng Jam Press kay Hugo Torres, head ng Galeras Educational Institution, may posibleng 28 kaso ng anxiety sa mga mag-aaral.


Naiulat na dumanas umano ng pagkahimatay, pagkabalisa at iba pang sintomas ang mga estudyante bago nadala sa municipal hospital, kasama ang kanilang magulang at school faculty.


Samantala, hindi kumpirmado kung magsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa naturang insidente. Kasalukuyan namang naghihintay ng medical diagnoses ang paaralan bago maglahad ng panibagong impormasyon.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page