top of page
Search
  • BULGAR

Naglalakad sa gilid ng riles ng tren at tinuklaw ng ahas

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 2, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dondon ng Masbate.


Dear Maestra,


Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan, gayundin ang mga mahal n’yo sa buhay.

Napanaginipan ko na naglalakad ako sa gilid ng riles ng tren, tapos hindi napansin na may papalapit na ahas sa akin. Hinampas ko ng payong ang ahas at nagalit, kaya tinuklaw ako.


Ano ang ibig sahihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Dondon


Sa iyo, Dondon,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naglalakad ka sa gilid ng riles ng tren ay isang paglalakbay kung saan makikilala mo ang pinakamamahal mo sa buhay.


Samantala, ang ahas na papalapit sa iyo ay nagpapahiwatig na may lihim kang kaaway. Gayunman, ang hinampas mo ang ahas ay nangangahulugan na magwawagi ka laban sa kaaway mo at hindi siya magtatagumpay sa masama niyang binabalak.


‘Yung tinuklaw ka ng ahas dahil hinampas mo ito ay nagpapaalala na dapat kang umiwas sa gulo. Ilayo mo ang iyong sarili sa mga nagbabantang kaguluhan na posible kang madamay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page