top of page
BULGARY - SHUVEE, UMUPO NA SA PRIORITY LANE SA TREN, PATI SHOPPING BAGS, PINAUPO RIN-IG _s

Naglalakad galing iskul, sinabunutan, winasiwas... 13-anyos na babae, pinatulungan ng edad 15 at 16 

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 1 min read

by Mervin Reyes @News | September 4, 2026



13 anyos pinagtulungan ng edad 15 at 16 - Circulated

Photo: Circulated



Nanawagan ang pamilya ng isang 13-anyos na estudyante ng mas mahigpit na police at barangay visibility matapos itong saktan ng dalawang kapwa menor-de-edad habang pauwi mula sa paaralan noong Setyembre 1.


Sa kuha ng CCTV at pahayag ng kamag-anak ng biktima, alas-2 ng hapon nang lapitan ito ng edad 15 at 16 na kapwa babae rin, saka sinabunutan at winasiwas hanggang sa matumba sa kalsada.


“Nasaan ang pulis visibility? Nasaan ang mga tanod sa mga kanto malapit sa mga paaralan? Araw-araw balita ng karahasan sa mga bata. Bakit parang walang kumikilos?” pahayag ng kamag-anak.


Binanggit din ng pamilya ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na pananagutin ang mga mag-aaral na mapapatunayang nambu-bully.


Nanawagan din sila sa barangay, Manila Department of Social Welfare at Manila Police District na kumilos at palakasin ang seguridad ng mga estudyanteng bumibiyahe papasok at pauwi mula sa paaralan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page