Nagka-bacterial meningitis… LANI, NAKA-HEARING AID NA, 'DI RIN MAKAKANTA NANG NAKATAYO

ni Nitz Miralles - @Bida | January 16, 2021

Sinagot ni Lani Misalucha ang tanong ng mga netizens kung bakit parang sa tingin nila ay lumaki ang kanyang mukha. Nag-post si Lani ng photo niya sa Instagram at dito niya nabanggit ang rason ng paglobo ng kanyang mukha.
“Matagal din na lumobo ang mukha ko (pati na rin katawan) dahil sa matagal na pag-take ko ng steroids para sa inflammation sa nerves ng brain ko. Kaya pagpasensiyahan n'yo na ang first fekture of the year ko dito sa IG bilang lumiit na nang konti ang mukeels ko.”
Binanggit din ni Lani na tuloy ang pagpapagaling niya at sa ngayon, apektado pa rin ang kanyang pandinig at gumagamit siya ng hearing aid.
“I believe some of you already know about what happened to me and to my husband. Nagkaroon kami ng bacterial meningitis nu'ng October. We are okay naman ngayon. But the problem is ‘yung bacterial meningitis na ‘yan ay iniwanan kami ng souvenir na ‘yun ay hearing loss at vestibular dysfunction. Ako ang right ear ko ang bingi. Left ear ko medyo nakakarinig.”
Nag-post din ng video si Lani habang nagta-try ng hearing aid, kaya ‘wag na kayong magtaka kung makita n'yo siyang may hearing aid.
Problema pa rin ni Lani ang balanse at kung napapansin, nakaupo siya habang kumakanta sa kanyang mga guesting.
Marami ang nagdarasal sa tuluyang paggaling ni Lani at ng husband niya at aasahan natin ‘yun.





Comments