top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Naging zombie ang mga nabakunahan ng COVID-19 vaccine

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 22, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jethro ng Camarines Sur.


Dear Maestra,


Nakakatakot ang panaginip ko dahil ang lahat ng nabakunahan ng COVID-19 vaccine ay naging zombie pagkatapos ng tatlong buwan. Tapos kinakagat nila ang bawat makasalubong na nagiging zombie rin. Naisip namin ng pamilya ko na magtago sa ilalim ng tulay na ginagawa rito sa amin dahil may space sa underground na puwedeng pagtaguan para hindi kami makita ng zombies at ganu’n nga ang nangyari.


Hindi kami nakita ng mga zombie at nakaligtas kami. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,


Jethro


Sa iyo, Jethro,


Ang ibig sabihin ng mga zombie sa panaginip mo ay kabaligtaran dahil sila ay mga kaibigan mo na handang dumamay sa iyo sa sandali ng kagipitan. Sila rin ay makakatulong sa iyo upang magsimula ng bagong negosyo dahil pahihiramin ka nila ng puhunan.


Sa buhay ng tao, kung sino pa ang inaakala nating kaaway ay siya pa ang tapat at mapagkakatiwalaan. At kung sino naman ‘yung akala natin ay totoong kaibigan, siya naman ang binabanatan tayo nang talikuran, kaya ingat-ingat na lang at talasan mo ang iyong pakiramdam.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page