top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Naging issue raw sa mag-asawa… MARC, BUMILI NG 2 LUPA NA ‘DI IPINAALAM KAY DANICA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 2, 2026



TALKIES - MARC, BUMILI NG 2 LUPA NA ‘DI IPINAALAM KAY DANICA-IG _jeanmarc15

Photo: IG _jeanmarc15



Inamin ng aktres na si Danica Sotto sa YouTube (YT) channel ng inang si Dina Bonnevie, ang House of D (HOD), na naging isyu sa kanilang mag-asawa ang pagbili ni Marc Pingris ng dalawang lote na hindi agad ipinaalam sa kanya. 


“‘Di ko minsan nasasabi sa kanya kasi dati, ‘pag may pera ako, ‘yung mga lote ang binibili ko,” kuwento ni Marc.


Ayon pa kay Marc, paraan niya ang pagbili ng lupa bilang investment. Kapag tumagal at ibinenta niya ito, ginagamit niya ang kinita o tubo para muling bumili ng panibagong property.


“Kasi ako, ‘pag may extra na pera ako at nakatabi naman ‘yung budget sa kanila, para sa akin, gusto kong bumili ng mga lote. Mag-invest minsan,” paliwanag ni Marc.


Dito naman inamin ni Danica na may mga pagkakataong saka na lamang niya nalalaman na may nabili palang lupa ang kanyang mister.


“May lupa ka pala, may binili ka palang lupa rito,” ani Danica, na sinundan ng pag-amin, “Naging issue ‘yun, ah.”


Sa pagpapatuloy ng kanilang kuwento, ibinahagi ng aktres na may dalawang properties si Marc na hindi nito na-disclose sa kanya.


“Ito nga ‘yung catch, meron s’yang dalawa na ‘di na-disclose sa akin,” ani Danica.

Naitanong din ni Dina Bonnevie, ina ni Danica, kung bakit hindi agad sinabi ni Marc ang tungkol sa mga naturang lupa.


“Marc, bakit? Ano? ‘Di ano? Meron ba? Meron ka bang ititira ru’n? Charot!” pabirong tanong ni Dina.


Paliwanag naman ni Marc, nasa bahay lamang ang mga titulo ng kanyang mga properties.


“‘Yung mga titulo naman, Ma (Dina), nasa bahay,” sagot ni Marc.

Ngunit para kay Danica, mahalagang alam nilang mag-asawa ang lahat ng kanilang financial investments, lalo na’t may mga obligasyong kaakibat ang pagkakaroon ng property, gaya ng pagbabayad ng amilyar.


Aniya, may pagkakataon ding kailangan niyang magpaalala kay Marc tungkol sa mga bayarin dahil hindi naman niya alam kung alin ang mga properties na mayroon ang kanyang asawa.


Ibinahagi rin ni Danica ang kuwento tungkol sa isa sa mga lupang hindi niya agad nalaman. Aniya, ang property ay orihinal na isinangla kay Marc ng isang taong umutang sa kanya.


“Naging issue, tapos sabi n’ya, ‘‘Di ‘yan ‘yung kay… du’n sa isang kapitbahay. Kasi ang story, supposedly ay isinanla,’” kuwento ni Danica.

Paglilinaw naman ni Marc, “Umutang sa akin.”


Ayon kay Danica, hindi na raw nabayaran ang utang kaya napagdesisyunan ni Marc na bilhin na lamang ang property.


Para sa aktres, maliit man o malaking bagay, mahalaga pa ring may transparency sa kanilang pagsasama.


“Small or big things, you have to tell. We have to disclose it kasi kung may something din na emergency, wala naman ding ibang tutulong sa ‘yo kundi ang asawa mo,” saad ni Danica.

Well, big tumpak ka r’yan, Danica!  

‘Yun na!





Aktres, nag-share sa socmed ng pagkadismaya… 

MADIR NI YASMIEN, ITINAKBO SA E.R., TINANGGIHAN



NAGBAHAGI sa social media ang aktres na si Yasmien Kurdi ng isang nakalulungkot na karanasan matapos niyang subukang dalhin sa emergency room (ER) ang kanyang ina dahil sa hypotension o mababang blood pressure habang sumasailalim sa dialysis.


Ayon kay Yasmien, sinabi sa kanila na puno na ang ER dahil sa dami ng mga pasyenteng may leptospirosis.


“I was supposed to bring my mom to the ER today because of hypotension during dialysis, but we were told that the ER is currently full due to the number of leptospirosis cases,” ani Yasmien.


Kasunod nito, ipinahayag ni Yasmien ang kanyang panalangin para sa lahat ng naapektuhan ng pagbaha at sa mga nangangailangan ng agarang medical care.


“Praying for everyone affected by the floods. May everyone be safe, and may those who are sick receive the care and healing they need. Please stay safe, everyone,” aniya.


Amen to that, Yasmien! 


Guys, please stay safe, especially those affected by the floods. Praying for everyone’s safety, good health, and healing.

‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page