Naging ermitanyo at tumira sa gubat
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 24, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Marinduque.
Dear Maestra,
Isa ako sa mga masugid n’yong tagasubaybay, kaya nais ko ring magpaanalisa ng aking panaginip.
Napanaginipan ko na naging ermitanyo ako, tapos tumira ako sa kagubatan at du’n namuhay nang nag-iisa.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Robert
Sa iyo, Robert,
Ang ibig sabihin ng naging ermitanyo ka, tumira sa kagubatan at namuhay nang mag-isa ay pansamantalang pagkalugi sa negosyo at hindi pagkakasundo-sundo sa tahanan n’yo. Palaging nagtatalo ang mga miyembro ng pamilya kahit maliit na bagay lang. Pero pansamantala lamang ang ganyang sitwasyon dahil lilipas din agad at masusundan ng hindi inaasahang biglang pagyaman.
Dahil d’yan, magiging maligaya na kayo ng pamilya mo at magiging payapa na rin sa tahanan n’yo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments