top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Naging co-host ni Piolo… KRIS, UMAMING FEEL NA FEEL NA LEVEL-UP NANG MAPUNTA SA TV5

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 29, 2020
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 29, 2020




Pangarap ni Kris Bernal na makatrabaho sina Piolo Pascual, Jericho Rosales at John Lloyd Cruz dahil impressed siya sa galing nilang umarte kaya nagpa-manage siya ngayon sa Cornerstone Entertainment, Inc.


“Pangarap ko sila, kahit hindi ako leading lady, wow, umasa ba ako? Basta’t makatrabaho ko lang sila, makaeksena ko lang, happy na ako,” ito ang masayang sabi ng dalaga sa ginanap na virtual vloggers’ presscon nitong Biyernes nang hapon.


At sa mga aktres, “Gusto ko talaga si Judy Ann Santos kasi bata pa ako, idol ko na siya, love ko. At pagdating sa aktingan, gusto ko si Ms. Jodi Sta. Maria. At nakasama ko sa Sunday Noontime Live na sana, makatrabaho ko sa TV or any platform si Ms. Maja Salvador.”


Idinagdag din niya ang mga pangalan nina Sam Milby at Julia Montes na gusto niyang makasama rin sa pelikula o sa teleserye.


Speaking of Sunday Noontime Live na umeere ngayon sa TV5 tuwing Linggo ay mainit ang pag-welcome kay Kris nitong Linggo (Nobyembre 22) kaya naman sobrang saya ng aktres.


“Nakakapanibago at the same time, kapag may bago, nakaka-challenge rin. Pero ako talaga, I have so much respect to everyone sa Sunday Noontime Live. Na-starstruck pa ako, actually, very thankful din ako sa Cornerstone kasi sa treatment nila sa akin. Ang tagal ko nang hindi sumasayaw nang solo, hindi ko na maalala kung kailan ako nabigyan ng solo prod, ang tagal na.


“Tapos, nagkaroon din ako ng hosting (stint) with Mr. Piolo Pascual around, so parang nakaka-special na parang nakaka-level-up. Tapos, sa closing part, inilagay nila ako sa tabi nina Piolo, ni Maja, actually hindi ko ini-expect. Alam ko, sa likod lang ako, hindi na ako kakanta, hello-hello lang, kaya nagulat ako na (nasa harap ako). Sabi ko, grabe naman, ramdam na ramdam ko talaga na gusto akong tulungan ng Cornerstone at mag-level-up sa career ko, kaya thank you talaga kasi naramdaman kong star kahit hindi ako star sa Sunday Noontime Live,” masayang kuwento ni Kris.


At ang one million dollar question ay umalis na ba sa GMA-7 si Kris Bernal?


“Nag-expire ang contract ko with my network and nu’ng time na iri-renew ako, parang siguro, because of the pandemic din, nagkaroon din ng issues with renewal.


“Hindi ako binigyan ng exclusive contract, so nagkaroon ako ng chance to work with different network and lahat po ay ipinaalam ko (GMA management).


“'Yun lang talaga ‘yung kuwento, so since free ako to do iba’t ibang shows, free ako sa career ko, nakikita nila ako sa ibang network (TV5) but it doesn’t mean na exclusive ako sa TV5. Hindi po ako property o hawak din ng TV5 kaya puwede pa rin po akong lumabas sa GMA, at sa iba’t ibang channels kasi hindi ako exclusive with any network.


“Kung i-offer po ako ng network ko (GMA) ng contract, pipirma po ako talaga sa GMA, pero habang wala pa po silang offer, nagtatrabaho po ako sa iba’t iba. Alam naman po nila 'yun, wala akong isyu with my bosses,” kuwento ng dalaga.


Sa loob ng 13 years niya sa GMA ay marami siyang nabasang wala siyang utang na loob dahil nga umalis siya.


Kung ini-renew daw siya ay hindi naman talaga siya aalis at dahil may offer sa iba, kaya niya tinanggap ito dahil kailangan din naman niyang magtrabaho sa panahon ng pandemya.


“Lahat po ng appearances ko ay ipinaalam ko sa GMA, pati ‘yung soap sa TV5 (Ate ng Ate Ko). Tulad nga po ng sabi ko, wala akong exclusive contract kaya puwede akong maging Kapuso, puwedeng maging Kapatid, puwede akong maging Kapamilya. ‘Yun po ang situation ko ngayon.


“Lahat po ng nangyari sa career ko, ina-acknowledge ko sa GMA, kasi sa kanila po ako talaga nagsimula kaya anytime na bigyan nila ako ng trabaho, go, game ako, diyan ako sa GMA,” pagkaklaro pa ni Kris.


Bukod sa pag-arte ay nangangarap din si Kris na mapasama sa mga concerts ng mga artists ng Cornerstone.


“Sana mapasama rin ako sa concerts, ha, ha, ha! Maka-duet ko si Moira dela Torre,” tumawang sabi pa ng dalaga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page