top of page

Naging beach ang bahay at malinaw ang tubig, sign ng pag-unlad at kasaganaan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22, 2021
  • 2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 22, 2021



Analisahin natin ang panagininip na ipinadala ni Joyjoy ng Masbate.


Dear Maestra,

Magandang araw sa inyong lahat d’yan. Ako ay 35-anyos, may apat na anak na dalawang babae at dalawang lalaki. Naisipan kong mag-online business kahit maliit lang ang puhunan. Ang mister ko naman ay kasasakay lang sa barko at nakatira kami ngayon sa isang subdivision kasama ng mama ko.

Napanaginipan ko na naging beach ‘yung bahay namin. Nag-swimming kami ng aking mga anak kasama ang mama ko. Malinaw ang tubig at habang kami ay nagkakatuwaang maligo, biglang tumayo ang mama ko at dala-dala niya ang maraming tubig sa pamamagitan ng kanyang mga kamay. Nalukuban siya ng tubig na para bang may taglay siyang kapangyarihan na kaya niyang kontrolin ang agos ng tubig at puwede niya itong patuyuin o paagusin nang walang tigil.

Nagulat kami ng aking mga anak. Ang sabi ko sa bunso, gayahin niya si mama, may powers na at nagising na ako. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Joyjoy


Sa iyo, Joyjoy,

Nakakatuwa naman ang panaginip mo. Salamat sa pagtitiwala mo sa aking kakayahan na mag-interpret ng dream.


Mabuti naman at malinaw ang tubig sa panaginip mo dahil ito ay nangangahulugan ng kasaganaan at pag-unlad ng kabuhayan sa pamamagitan ng gabay at patnubay ng iyong ina. Nagpapahiwatig din ng maayos na pagsasamahan, pagmamahalan at pagmamalasakitan sa inyong tahanan.


Gayundin, ang sabi mo, ang loob ng bahay ninyo ay naging beach. Ang bahay ay nangangahulugan ng tagumpay sa negosyo. Kaya anuman ang ipinuhunan mo sa negosyo, mabilis mo itong mababawi at tuloy-tuloy na ang pagyaman mo.


‘Yun namang nagkaroon ng powers ang mama mo kung saan may kakayahan siyang patuyuin at paagusin ang tubig at lumukob din kamo sa buong katawan niya ang tubig, ang ibig sabihin nito ay buhos-buhos na biyaya ang parating sa kanya kahit hindi siya kumilos. Susuwertehin siya at parang agos ng tubig ang grasyang mahahawakan niya. At siyempre, dahil kasama mo siya sa bahay, damay na rin kayo ng mga anak mo sa suwerte niya.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page