Naghiwalay dahil sa maling akala… Bebot sa ex-bf pa rin ang bagsak
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | May 23, 2023
Dear Maestro,
May ex-boyfriend ako, magdadalawang taon na sana kami, ngunit naghiwalay kami dahil nagalit siya sa akin ng malaman niyang may iba akong ka-chat pero kaibigan ko lang ‘yung kausap ko. Gusto ko malaman, Maestro, kung magkakabalikan pa ba kami?
April 28, 1998 ang birthday ko, habang September 2, 1997 naman ang birthday ng ex-boyfriend ko.
Umaasa,
Vicky ng Santa Inez, Tanay, Rizal
Dear Vicky,
Ayon sa zodiac sign mong Taurus at Virgo naman ang ex-boyfriend mo. Gayundin, ang birth date mong 28 o 1 (ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1) at birth date niyang 2. Sadyang compatible kayo sa para sa isa’t isa, dahil ang strong number mong 28 o 1 ay bagay isama sa weak number na 2 ng ex-boyfriend mo. Kung saan ang numero mong 1 ay kumakatawan sa buntalang Sun habang ang numero niyang 2 ay kumakatawan sa buntalang Moon o Buwan, kaya ang Moon at Sun ay tiyak na magiging maligaya.
Ibig sabihin, malaki ang tsansa na magkabalikan kayo ng ex-boyfriend mo, lalo na kung ikaw mismo ang gagawa ng unang hakbang upang kayo’y magkabalikan, dahil ang numero mong 1 na may ruling planet na Sun ay malakas ang dating, kaya maaari mong mapasunod ang birth date na 2 ng ex-boyfriend mo.
Kapag nakausap mo ang iyong ex, humingi ka ng tawad sa kung anuman ang nagawa mong pagkakamali, dahil walang magagawa ang taong 2 kundi ang makipag-usap at sumunod sa taong 1.Gawin mo na ito ngayon, upang sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay muling mabuo at lalo pang uminit ang inyong relasyon na hahantong sa isang masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.




Comments