Naghamong pumunta sa korte…

ANGEL, PINATAMAAN SA MGA KABATAANG NIRE-RECRUIT NG NPA, NAPIKON, NETIZEN TINALAKAN
ni Nitz Miralles - @Bida | November 13, 2020

May tinabla na naman si Angel Locsin dahil busy nga naman ang karamihan sa rescue operations sa mga binaha dahil sa bagyong Ulysses, aba'y may sisingit na wala naman sa topic.
Ang post ni Angel ay para sa kaligtasan ng lahat at paalala sa bawat isa na alagaan ang sarili, tapos ay may magko-comment na kawawa rin ang mga kabataan na nasa bundok at nare-recruit ng NPA.
“Oo, kawawa talaga na naiipit ang kabataan. Anyone na ginagamit ang kabataan para sa sariling agenda ay kasuklam-suklam.
"Kahit ikaw sa propaganda mo, ginagamit mo rin ang kabataan. Ginagamit mo rin ako at mga kapwa artista sa agenda mo, that’s why nakabantay ka sa page ko para mag-comment.
"I doubt kung ang kaligtasan ba talaga ng mga kabataan ang hangad mo o manggulo lang. Pumunta ka sa korte kung totoong may malasakit ka at mabigyan ng katarungan ang mga pamilyang nawalan.
"Ngayon, ito ang panawagan para sa mga nasalanta at nasasalanta ng bagyo, hindi ba sila importante enough sa 'yo para i-disregard sila at isingit ang comment mo sa panahong ito? Umayos ka."





Comments