top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

“Nagbulong” kay P-Duterte ng fake news na magrerebolusyon ang mga health workers, dapat masibak!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2020
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 5, 2020



P-DUTERTE, “NA-FAKE NEWS” SA REBOLUSYON NG MGA HEALTH WORKERS—Nagtaka ang mga medical frontliners kung bakit hinahamon sila ng rebolusyon ni P-Duterte gayung wala naman sa kanilang hanay ang naghahamon nito, kundi ang panawagan lang ng mga health workers ay “timeout” para maibsan ang pagdami ng mga nagkaka-virus dahil napupuno na ang mga ospital sa dami ng mga nagkaka-COVID-19.


Kung sinumang gov’t. official ang “nagbulong” kay P-Duterte na naghahamon ng “rebolusyon” ang mga medical frontliners ay dapat sibakin kasi pati siya ay binubulungan ng fake news, period!

◘◘◘


MAY SAPAT NA SUPPLY NGA NG PAGKAIN, ANG PROBLEMA AY WALA NAMANG PAMBILI ANG MGA MAHIHIRAP—Sa public briefing ni Presidential Spokesman Harry Roque ay tinanong nito si Sec. William Dar ng Department of Agriculture (DA) kung may sapat na supply na pagkain sa mga residente ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna na isinailalim sa MECQ na sinagot naman ng DA secretary na meron daw.


Good, may sapat na supply na pagkain naman pala, pero ang bad ay ‘yung mga mahihirap na walang pambili ng tsibog kasi wala na raw pera ang gobyerno na pambigay-ayuda, saklap!


◘◘◘


“SUNTOK SA BUWAN” NA MAGKA-AYUDA PA ANG MGA MARALITA—Ayon kay Sec. Roque, puwede pa naman magbigay ng 3rd tranch na ayuda ang gobyerno kung aaprubahan ito ng Senado at Kamara, pero ang masaklap, malabong magkaroon ito ng katuparan kasi iniutos ni Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III ang dalawang linggong lockdown sa Senado at sa parte naman ng Kamara, ang pinagtutuunan ng pansin ng mga tropa ni Speaker Alan Peter Cayektano ay ChaCha (Charter Change) o baguhin ang nilalaman ng Saligang-Batas.


Dahil d’yan, “suntok sa buwan” na magka-3rd trach pa ng ayuda ang gobyerno, tsk-tsk-ts!


◘◘◘


TANDERS NA, GINAWA PANG YOUTH COMMISSIONER—Dahil hindi natupad ni ex-NYC (National Youth Commission) Chairman Ronald Cardema ang pangarap nitong matawag na “youth congressman” nang ibasura ng Comelec ang nominasyon nito sa Duterte Youth Partylist dahil overage na ito sa edad na 34 (hanggang 30 years old lang ang puwedeng maging youth representative sa Kongreso), ang ginawa ni P-Duterte ay binigyan ulit ito ng puwesto sa gobyerno bilang NYC commissioner.


Onli in da ‘Pinas lang ‘yan na kahit “tanders” na ay ginawa pang youth commissioner, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page