top of page
BIDA - UNVEILING NG WAX FIGURE NI KATHRYN, SA ‘PINAS GAGAWIN-FB Circulated.jpg

Nagbayad ng P12K na tiket, ni hindi raw nakalapit… BLOOMS, DISMAYADO SA BINI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Evy Baldago (OJT) @Special Article | June 24, 2026



SPECIAL ARTICLE - BLOOMS, DISMAYADO SA BINI-FB BINI_ph

Photo: FB BINI_ph



Umani ng reaksiyon online ang isang TikTok video matapos maglabas ng saloobin ang isang fan ng BINI tungkol sa naging karanasan niya sa “hi-bye” event after ng Signal concert ng grupo nitong weekend. 


Sa ngayo’y deleted na ang naturang video, kung saan makikitang may kayakap ang BINI na isang bisitang sinasabing life coach ng grupo, habang naghihintay naman ang mga fans sa kanilang pagkakataong makalapit sa kanilang mga idols.


Ayon sa fan na kumuha ng video, hindi niya nagawang maayos na makalapit o makawayan man lang ang grupo dahil hinarangan ng ilang marshalls. 


Dahil dito, nagpahayag siya ng pagkadismaya, lalo na’t unang beses niya pa lamang um-attend ng “hi-bye” event kung saan SVIP ticket pa raw ang binili niya na nagkakahalaga ng P12,000 para nga magkaroon sana ng chance na makalapit sa BINI at makapagpa-picture rito.


Inulan din ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga kapwa Blooms, kung saan marami ang nagsabing hindi sulit ang ganitong klaseng experience para sa mahal na ticket.


Dahil dito, nanawagan ang ilang fans ng mas maayos na event management upang maiwasan ang kaparehong insidente sa hinaharap.





Cover pa ng magazine sa Father’s Day special…

PAGIGING TATAY NINA PAOLO AT PATRICK, KINUWESTIYON NG NETIZENS



BINATIKOS din online ang Father’s Day special cover ng isang magazine matapos nitong i-feature sina Paolo Contis, John Lloyd Cruz at Patrick Garcia.


Agad nag-react ang mga netizens na kinuwestiyon ang pagpili sa mga naturang aktor bilang bahagi ng espesyal na selebrasyon para sa mga tatay.


Inungkat ng mga netizens ang mga lumang isyu ni Paolo kaugnay ng relasyon niya sa kanyang mga anak kina Lian Paz at LJ Reyes.


Si Patrick Garcia, kinuwestiyon naman ang pagiging ama sa anak niya kay Jennylyn Mercado.


Kaya, marami ang nagpahayag ng pagkadismaya at sinabing hindi umano bagay ang ilan sa mga napiling i-feature sa naturang Father’s Day special.


Samantala, walang masyadong puna ang mga netizens kay John Lloyd Cruz, dahil ayon sa ilan, nakikita pa rin umano nila ang suporta nito sa anak nila ni Ellen Adarna na si Elias Modesto.





Makapagpa-selfie lang sa Siargao…

SHUVEE, HINATAK NA SA BRASO NG FAN, HINAMPAS PA SA PUWET



KALAT ngayon sa social media ang video kung saan makikitang nakikipag-interact si Shuvee Etrata sa mga fans habang nasa Siargao.


Agad itong pinag-usapan matapos mapansin ng mga netizens ang umano’y kawalan ng respeto ng isang babaeng fan sa personal space ng aktres.


Makikita sa video ang malakas na paghatak ng fan sa braso ni Shuvee para magpa-picture. Bagama’t halatang nagulat, nagawa pa rin ng aktres na ngumiti para sa camera.


Pero mas ikinagalit pa ng mga netizens ang sumunod na pangyayari nang hampasin umano ng babae ang puwet ni Shuvee, bagay na ikinatawa pa nito pero kalaunan ay kapansin-pansin din ang unti-unting pagkawala ng ngiti ng aktres matapos ang insidente.


Dahil dito, inulan ng batikos ang naturang fan dahil sa umano’y kawalan nito ng boundaries.


“Hindi ako fan ni Shuvee pero pagsabihan n’yo ‘yan! Walang manners!”

“Hinablot mo na para makapag-picture, hinampas mo pa. Bastos!”


“Feeling close yarn?”


Marami ang dumepensa kay Shuvee at nanawagang respetuhin ang personal space at boundaries ng mga artista.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page