top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nagbalik sa pagiging teenager at natapilok

BULGAR
Dec 23, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 23, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loida ng Pasig City.


Dear Maestra,


Napanaginipam ko na nagbalik ako sa pagkabata o nu’ng panahon na teenager pa ako at kasama ang mga barkada ko. Naglalakad kami nang bigla akong natapilok at nasaktan ako, tapos pakiramdam ko ay napilay ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Loida


Sa iyo, Loida,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na bumalik ka sa panahong teenager ka ay susuwertehin ka sa negosyo at magiging masaya ang love life mo. Dadagsa ang mga manliligaw mo at halos hindi mo na alam kung sino ang dapat piliin. ‘Yan ay kung dalaga ka pa sa kasalukuyan, pero kung may asawa ka na, ang ibig sabihin ng panaginip mo ay pabago-bago ang kalagayan mo sa buhay, kumbaga, hindi stable. Minsan ay nasa ilalim at minsa’y nasa ibabaw.


Samantala, ang natapilok ka at pakiramdam mo ay napilay ang paa mo ay nagpapahiwatig na magkakaroon ng katuparan ang pinaplano mo sa kasalukuyan, maging ito man ay pampamilya o bagong negosyo na gusto mong buksan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page