Nag-swimming sa dagat, pahiwatig ng biyaya o babala ng maraming problema at pagkakasakit
- BULGAR
- Mar 18, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 18, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Fatima ng Bulacan.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyo at nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan sa piling ng inyong mahal sa buhay.
Puwede bang magpa-analize ng panaginip ko? Nanaginip ako na nag-swimming kami sa dagat kasama ang buong mag-anak. Maraming salamat!
Naghihintay,
Fatima
Sa iyo, Fatima,
Kung malinaw ang tubig sa dagat, maganda ang ipinahihiwatig niyan.
Kasaganaan, pagpapala, buhos-buhos na mga biyaya ang parating sa inyong tahanan. Kung noong nagdaang mga araw ay halos hindi mo alam kung paano pagkakasyahin ang iyong budget para sa mga pangangailangan ng iyong pamilya, ngayon ay hindi na. Pagpapalain na kayo at sasagana, tuluy-tuloy na ang mga biyaya ang nakatakdang dumating gaya ng walang tigil na agos ng tubig sa dagat. Ito ay kahanga-hanga at kagulat-gulat.
Sa pakiramdam ko, posibleng tumama ka sa lotto o ang mister mo mismo. Ang tayaan n’yong numero ng mister mo ay ang mga birthday ng mga anak n'yo at birthday n'yong mag-asawa. At dahil ngayon ay taong 2021, idagdag mo sa tatayaan ang 20 o 21.
Sa kabilang dako, kung marumi, maraming kalat, hindi malinaw ang tubig at hindi ka nasiyahan sa paliligo, hindi maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo. Maraming problema ang darating bukod pa sa hihina ang kalusugan mo hanggang sa tuluyan ka nang magkasakit.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments