Nag-swimming kasama ang 2 pang menor-de-edad... 8-anyos, nalunod sa dagat, dedo
- BULGAR

- 22 hours ago
- 1 min read
ni Janice Baricuatro @News | August 28, 2026

Photo: File
Matapos ang halos 12 oras na retrieval operation, natagpuan din ang katawan ng 8-anyos na lalaking nalunod sa karagatang sakop ng Brgy. 8 Pulo, Cavite City kahapon.
Natagpuan pasado alas-4 ng madaling-araw ang bangkay ng batang hindi pa pinangalanan na umano'y residente ng Las Piñas City.
Ayon kay Brgy. 8 Captain Joey Fojas, isang mangingisda at bantay ang nakakita sa katawan malapit sa lugar kung saan huling nakita ang bata.
Nabatid na bandang alas-4 ng hapon, kasama umano ng dalawa pang menor-de-edad ay naligo ang biktima sa naturang dagat pero maya-maya lamang umano ay biglang lumakas ang alon kaya natangay ang biktima.
Agad nagsagawa ng retrieval operation ang Cavite City CDRRMO, mga miyembro ng Philippine Coast Guard, mga opisyal ng Brgy. 8, mga mangingisda, at residente, pero bigo silang mahanap ang biktima dahil na rin sa patuloy na pagsusungit ng panahon.





Comments