Nag-shopping at bumili ng alahas, babala na maghihirap sa buhay
- BULGAR
- Jun 1, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | June 1, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolan ng Malabon.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko nag-shopping ako. Nagpunta ako sa jewelry section. Nagustuhan ko ang alahas na silver. Bumili ako ng marami, at silver coins ang pinambayad ko.
Paglabas ko sa shopping center may narinig akong siren. Ang lakas ng tunog na para bang nagbababala na may nakaambang panganib.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rolan
Sa iyo, Rolan,
Pangit na pangitain ang panaginip mo na nag-shopping ka, bumili ng mga alahas. Ito ay nangangahulugang maghihirap ka sa buhay. Matatagalan bago ka yumaman. Ang silver coins naman na siya mong pinambayad sa pinamili mong alahas ay may kaugnayan sa negosyo.
Tutubo ka ng malaki sa negosyo kung hindi ka mawawalan ng pag-asa at tuluy-tuloy na magiging matiyaga, at masipag.
Samantala, ang malakas na tunog ng siren na narinig mo na para bang nagbababala na may panganib na darating ay nagpapahiwatig ng pag-aalala at pagkabalisa sa mga bagay na malapit ng dumating. Ito rin ay senyales ng mga sagabal sa mga binabalak mong gawin.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments