Nag-provide ng 1,000 Angkas driver para sa mga frontliner
- BULGAR

- Aug 7, 2020
- 2 min read
ni Twincle Esquierdo | August 7, 2020

Nagtalaga ang Motorcycle ride-hailing service Angkas ng 1,000 riders para sa mga medical frontliners sa Metro Manila mula sa kanilang bahay hanggang sa trabaho ng libre dahil sa pagsuspinde ng mga transportasyon sa mga lugar na isinailaim sa MECQ.
Sa ilalim ng Free Motorcycle Ride project para sa mga medical frontliner ang mabibigyan ng libreng sakay ay ang mga malapit sa Philippine General Hospital, San Lazaro Hospital, Ospital ng Sampaloc sa Manila, East Avenue Medical Center sa Quezon City at Tala Hospital sa Caloocan City.
Batay sa kasunduan sa pagitan ng Joint Task Force COVID Shield at Angkas, ang ilang Angkas riders ay naka-standby sa National Kidney Institute, Quezon City General Hospital, Lung Center ng Pilipinas, Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City, Ospital ng Maynila at Fabella Hospital sa Maynila.
Sinabi ni Task Force Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar nitong Biyernes na ang mga medical workers na pauwi ay maaaring lumapit sa mga Rider ng Angkas at ipakita ang kanilang mga kard para makapag-avail ng libreng pagsakay.
Bukod dito nag-provide ng 1,000 protective barriers ang Angkas na makatutulong para sa mga qualified riders.
Sinabi ni Eleazar na ang mga barrier ay ihahatid sa iba't ibang mga istasyon ng pulisya sa Metro Manila para ipamahagi sa mga qualified recipients. At ayon pa sa kanya ang mga rider na angkas ang asawa, live-in partner, kamag-anak at mga kaibigan na nagtatrabaho bilang mga medical frontliner ay priyoridad.
Saad niya, “a clear manifestation that the spirit of bayanihan is very much alive and continues to be a defining value of Filipinos especially in this time of global pandemic.”
“We in the JTF COVID Shield believe that there are a lot of people out there who continue to extend assistance to their troubled kababayans as revealed by the countless good deeds that we regularly see in the social media since the entire country was placed in community quarantine,”
Nauna nang pinayagan ng gobyerno ang pagsakay sa motorsiklo para sa mga mahahalagang manggagawa o awtorisadong tao na pinapayagan lumabas sa ilalim ng MECQ, at merong mga protective barriers na isa sa mga health protocol sa mga ito.
Noong nakaraan, ang mga mag-asawa lamang at maka-live-in ang pinapayagan para sa pagsakay sa motorsiklo, para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.





Comments