top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nag-preach sa mga tao at nagdasal

  • BULGAR
  • Dec 16, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 16, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Domingo ng Davao.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagpi-preach ako sa harap ng mga tao sa chapel ng barangay namin. Pinangunahan ko rin ang pagdarasal ng pambungad na panalangin, gayundin ang panalanging pangwakas.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Domingo



Sa iyo, Domingo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpi-preach ka sa harap ng mga tao ay pararangalan ka dahil sa nagawa mong kahanga-hangang gawain para sa ikauunlad ng barangay n’yo.


Samantala, ang ibig sabihin ng ikaw ang nagdasal ng pambungad at pangwakas na panalangin ay kalusugan ng katawan, kaligayahan at kapayapaan ng puso at isipan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page