top of page
Search
BULGAR

Nag-post ng ulam na monggo, pinaglagyan ang pinagpiyestahan… HEART, 1 PLATO PA LANG, P15K NA!

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 18, 2024



Showbiz News

May bago na namang pinagpipiyestahan ang mga netizens sa post ni Heart Evangelista. Pinagdidiskitahan naman nila ngayon ang platong ginamit ng aktres/fashion icon.


Ipinost ni Heart ang plato na may lamang monggo. 


Aniya sa caption, “Friday monggo.”


Pero matinik talaga ang mata ng mga netizens dahil ang mas napansin nila ay ang plato kaysa sa monggo. Paano ba naman, isa itong Hermès Passifolia soup plate na nagkakahalaga ng $270 o P15,089.


Needless to say, samu’t sari ang komento ng mga netizens at sey nga ng isa, pinagsasampal na naman daw sila ng kahirapan dahil sa post ni Heart.


“At least, kumakain s’ya ng monggo! Ang Pinoy ulam, model na ng Hermes, galing,” sey naman ng isa pa.


“Hahahaha! Sarap nu’ng pinggan,” komento naman ng isa pang socmed (social media) user.


 

Madir, kahit todo-hirit na ng apo… 

GERALD, 'DI PA FEEL ANAKAN SI JULIA


Gerald Anderson - Julia Barretto

Ang daming natuwa sa viral video ng birthday celebration ng ina ni Gerald Anderson na ginanap sa Gen. Santos City. Sa nasabing event nga ay kasama rin ni Gerald ang girlfriend na si Julia Barretto.


Sa kumalat na video ay mapapanood na nagbibigay ng mensahe si Gerald para sa kanyang nanay.


Sey ng aktor, “Happy Birthday. We wish you the best, Ma. Thank you sa all the years na pag-aalaga sa ‘min. Salamat dahil inalagaan mo kami.”


Saad pa ng boyfriend ni Julia, “Alam namin na ibibigay mo ang lahat para sa ‘min at ibibigay din namin ang lahat para sa ‘yo, lahat ng gusto mo, ibibigay namin. Pero kapag ‘di naman namin kaya, ‘wag ka na magtampo.” 


Sumagot naman ang ina ni Gerald na wala naman daw siyang hinihingi na hindi kaya ng anak niya, pero may isa siyang hiling.


“Hindi naman nanghihingi si Mama na ‘di n’yo kaya, eh. I’m having a little bit. . . So I’m asking you, give me a…” ang sabi ng nanay ng aktor na hindi na itinuloy ang karugtong dahil nakita niyang nakatingin sa kanya ang lahat.


Nagtawanan naman sina Gerald Anderson at Julia Barretto pati na ang mga bisita sa sinabi ng ina. Ang feeling nila ay apo ang hinihingi ng momsky ng aktor.


 

Blind Item

BLIND ITEM:

IMBIYERNA pala ang isang award-winning actress sa nakababatang aktres na kasama niya sa isang teleserye.


Ang dahilan, napakabagal daw kumilos nitong si younger actress na kapag may eksena sila, ready na raw itong si nakatatandang aktres pero ang co-star ay tatayo pa lang o ‘di kaya ay may ginagawa pa.


Sey daw ng batikang aktres, okey naman sana ang kanyang co-actress at magaling umarte.


“Pero napakabagal kumilos,” reklamo ng magaling na aktres.


Bale ba, maraming eksena ang dalawang aktres sa teleserye nila dahil laging magkasama ang karakter nila. Kaya naman, talagang dusa itong seasoned actress sa kanyang co-star na mabagal kumilos.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page