top of page

Nag-enroll sa mga pribadong paaralan, nangalahati

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 7, 2020
  • 1 min read

ni Twincle Esquierdo | September 7, 2020



Nagpahayag si Pasig City Representative Roman Romulo na namumuno sa House Committee on Basic Education and Culture na bumaba ang mga nag-enroll sa mga pribadong paaralan dahil sa pandemya.


Base sa tala ng Department of Education (DepEd), halos 4 milyong estudyante ang nag-enroll sa mga pribadong paaralan noong nakaraang taon, ngunit ngayon ay 1.9 hanggang 2 milyon na lang, habang 500,000 ang lumipat sa mga pampublikong paaralan.


"Sa totoo lang, talagang nakakaalarma rin. Ang sabi nga natin, ang dapat gawin ng DepEd at ang kanilang mga divisions ay siguraduhin kung nasaan 'yung mga estudyante na hindi pa nag-e-enroll.


In a way, itong pag-extend ng opening ng classes, nabigyan din ng pagkakataon ang DepEd na kahit paano ay makapag-communicate, malaman kung nasaan itong pamilya ng mga estudyante na hindi pa nag-e-enroll,” sabi ni Romulo.


Ayon pa kay Romulo, kung hindi mag-e-enroll ang mga mag-aaral sa mga pribadong paaralan ay hindi rin makakapagbayad ang huli sa kanilang mga empleyadong guro.


"Kailangan na talaga nating mag-isip at mag-propose ng mga polisiya kung saan sana,

makatulong na rin ang national government at local government dito sa sitwasyon ng mga pribadong paaralan.


Kailangan nating masabi sa kanila na napakahalaga ng role ng private schools natin at kailangan natin talagang matulungan din," dagdag pa niya.


Hinimok din ng Teachers Dignity Coalition (TDC) ang pamahalaan upang mabilis nilang

maaksiyunan ang ganitong uri ng problema ng mga pribadong paaralan.


“Madaliin ang proseso ng pag-hire sa displaced private school teachers dahil napakaraming mga bata ang lumipat sa pampublikong paaralan at napakalaki po ng class size na dapat ay mas paliitin dahil iba nga po ang paraan ng pagtuturo sa kasalukuyan,” saad ni TDC Secretary-General Emelyn Policarpio.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page